Mika's POV
"Ma, nagka-hiwalay ba kami dati ni Kristian?"
"Ha? Hindi anak. Nag kaka-away kayo, oo. Pero hiwalay? Hindi." sagot ni mama habang gumagawa siya ng Buko Salad "Bakit mo naman natanong anak?"
"Wala lang po, Ma. Ma, ang hirap pala nito no? Yung wala ako maalala. Pero alam mo po ba, nung isang araw bigla ko nalang nasabi ung pangalan ng assistant ni Vic sa shop. Ang galing! It came from nowhere. Nagulat rin si Vic eh." nanlaki ang mata ni mama. Siya rin nagulat. Pero hindi ung gulat na kagaya nung kay Vic. Parang..... takot yung kay mama.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Cienneyyyy feeling ko talaga ang daming tinatago sakin ng mga tao ehh." kausap ko si Cienne sa phone ngayon. Nasa trabaho pa kasi siya ehh.
"Ay nako Mika. Feeling mo lang yan."
"Cienne naman eh. Ikaw ba may alam ka? Sabihin mo naman sakin oh, please??" nag mamakaawa na ako kay Cienne. Sobrang hindi ko na kasi alam kung ano ba to'ng nararamdaman ko.
"Ha? Bakit ako? Ay nako Mika, di kaya tayo close noon!" tumawa naman siya. Loko loko.
"Loko ka talaga. Dali na kasi."
"Ye, ang dami ko pa gagawin. Tambak pa papers ko. Alam mo kung sino kulitin mo tungkol jan? Si Ara!" tumawa ulit siya.
"Pano kaya yun, eh mas malala pa yun sayo eh. Laging change topic."
"Eh wala ako magagawa. Haha. Sige na Ye. Bye bye na. See you soon. Mag iingat okay?" pamamaalam ni Cienne.
"Sige. Thanks for nothing! Haha joke. Miss you Ienne. Bye!" Binaba ko na ung phone. Hay ano ba kasi gusto mo malaman Mika? Eh ikaw mismo di mo alam kung ano hinahanap mo eh.
Pero I guess I'm just finding for the right words, the right words that will trigger some memories.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Late na ako naka-uwi galing sa bahay. Nagkaron rin kasi ng mini reunion. Pero hindi rin ako masyado naki-join. Hindi parin kasi ako sanay sa maraming tao. Sumakit na nga ung ulo ko eh dahil kahit papano nag effort parin ako sa pakiki-halubilo, kaya naman pinahatid na ako nila papa agad kay kuya Perry nung nag paalam na ako.
Pag dating ko sa condo madilim na, at for sure tulog na si Vic. Nakikita ko ung ilaw na nanggagaling sa night light niya eh.
Dahan dahan ko'ng binuksan ung pinto. Hindi parin siya nag papalit ng damit. Ang gwapo talaga pumorma nito. At ang lakas humilik. Haha
Gigisingin ko sana siya pero nung nakalapit na ako, ang lakas ng amoy ng alak. Uminom nanaman to?
Pag tingin ko sa bed side niya meron pa'ng 3 cans ng red horse. Aba ano Victonara? Nabitin ka pa?? Bakit kaya uminom to? Wala naman yayaan na naganap tsaka alam ko out of town si Kim ngayon.
Kumuha ako ng bimpo at pinunasan si Vic, wala parin siyang tigil sa pag hilik. Ang gwapo niya talaga. Hindi ko ma-idedeny, kaya siguro.... Erase! Erase!
Yung pag hihilik niya, napalitan ng mahinang pag hikbi. Umiiyak? Si Vic? Sinusubukan ko siya'ng gisingin pero hindi siya magising, unti unting tumigil ung pag hikbi niya.
Nag patuloy na ako sa pag pupunas sakanya. "Hay Victonara. Kung hindi lang talaga... Nako." Pag tapos ko siya linisan eh, nag palit na rin ako ng suot at humiga sa kama ko.
.
.
.
.
.
.
Ang tagal ko na'ng nakapikit dito, pero wala parin. Gising na gising parin ang diwa ko. Bakit kaya umiiyak si Vic habang nananaginip?
Bumangon ako para kumuha ng gatas, pag labas ko ng kwarto eh, nandun si Vic sa ref.
"Huy. Ano ginagawa mo jan?" tanong ko.
"Kumukuha ng maiinom." hindi niya ako nilingon.
"Ikaw nasasanay ka na mag lasing ah."
"Baliw! Tubig kasi. Uhaw ako eh." nilabas niya ung bottled water at ininom un. "Ano oras ka pala umuwi?"
Tumingin ako sa orasan 3:30am na pala. "Kanina pa. Mga 1 siguro."
"Eh ba't gising ka pa?" tanong niya.
"Di ako makatulog ehh. Ikaw? Bat nagising ka pa?"
"Ang sama mo, ayaw mo na ako magising pa?" natatawa niyang sagot
"Ewan ko sayo! Tabi nga jan." mahina ko siya tinulak at kumuha na ako ng gatas.
"Tabi tayo matulog." nagulat ako. Hindi dahil sa tabi kami matutulog, kung hindi, dahil siya ang nag aya. Lagi kasi siya kumukontra pag ako nag aaya eh.
"S-sige." tipid ko'ng sagot.
"Sige. Mauna na ako." Binaba niya ung iniinom niya na bote at dumiretso siya sa kwarto ko. Binuksan niya ung night light ko. Sabi niya sakin binili niya raw un. Para daw pag natutulog siya sa room ko may ilaw daw parin.
Nang matapos na ako uminom ng gatas, pumasok na ako sa kwarto. Tulog na ata siya. Naka-talikod na siya sakin eh. Humiga na rin ako. Naka-talikod. Pumikit ako at sinubukan makatulog, pero wala parin.
"Ye....." yumakap si Ara sakin. Ang higpit ng yakap niya. Parang her arms are made for me. Sakto'ng sakto. Napaka-comportable ng feeling. Tama ba to'ng nararamdaman ko? Ano na to? Hindi pwede. Pero....
"I miss you."
.
.
.
.
.
.
.
.
--
I don't know when I'll be updating ulit. But I'll try sa weekend.
GOOD LUCK TO THE FEU TAMARAWS! GOOD LUCK SA SEXY LOVE KO NA SI ACHIE IÑIGO HIHIHI.
BINABASA MO ANG