Ara's POV
2 months after that horrible accident. Wala parin pag babago. Everyday, parang pinapatay ako.
"Good morning Vic!" masiglang bati ni Mika, yup! She moved back here sa condo. Tita Bhaby tried to stop her, dinahilan nila na kailangan mabantayan siya nila tita. Pero she insisted. Andito naman daw ako. Yung best friend niya..
"Hoy Daks! Tulala ka nanaman jan." putol niya sa pag iisip ko.
"Ay sorry Ye.." hay ang hirap. "Ano ulit yon?"
"Sabi ko, eto na ung kape mo." Inabot niya sakin ito. "So, pwede na tayo mag start?"
Haay. Eto nanaman. Simula nung bumalik siya dito, she made me promise na tulungan ko siya maka-alala. Na tulungan ko siya mabalik ung mga nawalang memories niya.
Nag sip ako ng coffee ko at kumuha ng bread. Napa-hinga ako ng malalim. "Shoot."
"Bakit ang daming nag tataka pag nakikita na mag kasama kami ni Kristian? Diba boyfriend ko naman siya? Bakit mga tanong nila 'nagkabalikan na pala kayo ulit?' ano meron?" sunod sunod niyang tanong.
"Uh, kasi ano, madalas kayo nag hihiwalay ni Kristian. Madalas kasi kayo mag away. Ayun. Baka nag tataka lang sila talaga."
"Bakit? Ano pinag aawayan namin? The same reason parin ba? Ung pagiging babaero niya?" tanong ulit niya.
"Hm, Yes." tipid kong sagot. Nasasaktan ako. Kasi bat di siya mag tanong ng tungkol samin? Para naman makapag-sabi ako ng totoo. Hay.
"Sa tingin mo ba daks hanggang ngayon ganun parin si Kristian?" gusto ko sagutin yan ng purong katotohanan. Gusto ko sabihin na 'oo actually ngayon niloloko ka niya. Break na talaga kayo. Ako kaya ung girlfriend mo.' Pero hindi ko pwede sabihin yan.
"Hindi ko alam eh. Pero subukan ka lang niya saktan. Makakatikim siya sakin."
"Tsaka daks, bakit pala nung bumalik na ako dito wala na ung mga gamit ko sa room ko? Nasa room mo na lahat?" pwede ko nalang ba sabihin?
"Ah kasi, lumipat ka sa room ko Ye, dun ka na kasi nag sstay. Ginawa na natin guest room yan." nanlaki mata niya.
"Ah talaga? Hay. Di ko talaga matandaan. Sana bumalik na alaala ko Vic no?" tumayo na ito at kinuha ang towel niya na nakasabit sa upuan. "Aalis pala ako, mag tagaytay daw kasi kami ni Kristian eh."
Ngumiti nalang ako at tumango. Nag pipigil ng luha. Oo nga Mika, sana talaga bumalik na ang alala mo. Para sakin ka na ulit. Para bumalik ka na sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Naniniwala ako na kaya nakalimutan ni Ye ung memories niyo together kasi un ung may pinaka-malaking parte sa brain niya." binisita ako dito sa condo ni Kim. Di muna ako pumapasok masyado. Although padaan daan rin ako sa shop minsan."Edi sana pala ung memories namin un nalang ung pinaka-maliit na parte para hindi niya nakalimutan." uminom ako sa beer na hawak ko.
"Vic, you'll get through this. I know you can." pag ccomfort sakin ni Kim.
"Kim, break na ba kami?" ito ung tanong na nag lalaro sa isip ko eh.
"To be honest pare hindi ko alam isasagot ko. Siguro hindi? Kasi..."
"Siguro ung sagot sa tanong ko, wala sa 'oo' o 'hindi' kasi, para kay Mika, walang i-bbreak. Kasi para sakanya, walang 'kami'." putol ko kay Kim. Naiiyak nanaman ako.
"Uy, lagi ka nalang umiiyak. Pigilan mo yan." paninita niya sakin.
I half heartedly smiled.. "Alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon? Parang paulit ulit akong natatalo sa laro na hindi ko alam kung pano laruin." uminom ulit ako ng beer.
"Ang sakit na araw araw ko siya nakikita, pero hindi ko na magawa ung mga bagay na nakasanayan ko'ng gawin sakanya. Ung yakapin siya. Ung halikan siya."
"Wala tayo magagawa kung hindi antayin na bumalik alaala niya. Pero one thing's for sure. You'll get through this. Alam ko yan. Magiging okay rin ang lahat." inabutan niya ulit ako ng isang can ng beer.
Sana nga ganun lang kadali.. Sana maumpog nalang ulit si Mika baka sakaling bumalik ulit ung alaala niya. Miss na miss ko na ung taong pinaka-mamahal ko.. Hindi ako bibitiw Mika. Kakayanin ko to para sayo, para satin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--
So, medj madalang ung POV's ni Mika guys ha. Yun lang. :) trinatry ko mag update ng hindi masyado matagal. Pero loser ko kasi di ko kaya haha. Yun lamang :)Ask.fm/mynameisjessiya
Twitter: @aliyaherana
BINABASA MO ANG