Chapter 4

2.2K 61 2
                                    

Chase POV

Nagising nalang ako na may kasama na akong babae.Hindi ko kilala ito kaya tinignan ko na muna kung ano ang mukha nito.

"Hmm...."Gumalaw sya ng kaunti pero ganun padin ang ginawa nya dahil yakap na yakap parin sya saakin.

Pilit ko inaalala ang lahat kung paano ako nakarating dito kasama itong babaeng ito.

"Shit"Sambit ko sa sarili ko.Sobrang sakit ng ulo ko at mukhang hang over pa yata ako.Unti unti kpng tinanggal ang nakapulupot na braso saakin ng babae.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa lapag at nagbihis ulit.Inawan ko na yung babae dahil hindi ko naman sya kilala at unti unti ko na din naman na naaalala na naghalikan lang kami ng babae pero wala ng nangyari pang masmalala pa doon kaya wala naman na akong ikakabahala dahil wala naman akong pananagutan sakanya.

Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko si Kaizer na kakalabas lang sa isang kwarto.

"Pare anong nangyari sayo?"Bungad nyang tanong saakin

"Hindi ko maalala ang lahat pero wala naman nangyari saamin nung babae na kasama ko doon sa kwarto"Halata ko na nagulat sya sa binanggit ko dahil bigla nanaman kumunot ang noo nya.

"Teka may kasama kang babae sa kwarto?"Gulat nitong tanong.Tumango lang ako.

"Lagot ka pare kapag nalaman ni Kiana na may kasama kang babae"Ngumisi lang ako sakanya.

"Madali lang naman paamuhin yang si Kiana.Diba nga nung dati na nag-away kami ilang araw lang ang lumipas bati na agad kami at bulaklak at chocolates lang ang katapat nyang si Kiana"Nakangisi kong sambit.

"Bahala ka pare pero hula ko masmahihirapan ka ngayon"

"Hindi naman nya malalaman ang nangyari kapag wala namang magsasabi"Sambit ko bago ako pumunta doon sa isang upuan at nagpakuha sa waiter ng tubig.

"Hindi mo parin ba matanggap pare at nag-usap na tayo kahapon na dapat patawarin mo na sya dahil hindi din naman nya ginusto ang nangyari sa baby nyo"Tinignan ko lang sya ng masama at kinuha na yung inabot nung waiter na tubig.

"Wag mo nalang ako pangunahan,ako na ang bahala sa mga gagawin ko"Sambit ko bago ako umalis sa kinauupuan ko at lumabas sa bar ng walang paalam.

Gusto ko munang magpahangin bago ako umuwi sa kaharian at harapin si Kiana.Nararamdaman ko na parang unti unti na yatang nawawala ang pagmamahal ko sakanya simula nung nawala ang anak namin pero hindi ko pwedeng sabihin sakanya dahil baka kunin nya saakin si Mark at hindi ko hahayaan na mangyari yun.

Someone's POV

Tamang tama itong plano ko dahil unti unti na silang nagkakawatak na dalawa.Kaunting panahon ang kailangan kong hintayin bago ka ulit mapasaakin Chase Steven Montellano.....

"Boss...."Lumingon ako sa babaeng tumawag saakin.

"Ano nagawa mo na ba ang mga pinapagawa ko sayo?"Nginisihan nya lang ako at lumapit saakin.

"Syempre boss,ako pa ba.May gusto pa ba kayong ipagawa saakin?"Inisip ko kung ano pa ang mga dapat kong ipagawa sakanya.

Binulong ko sakanya ang mga gagawin nya.Mukhang natuwa naman sya sa ipapagawa ko dahil natatawa lang sya.

"Sige boss,susundin ko ang inuutos nyo.Aalis na po ako para pag-isipan ang gagawin kong hakbang para sa utos nyo"Nginisihan ko lang sya at lumabas na sya.Kahit papaano napapakinabangan ko pa sya pero sa mga susunod na araw magiging basura nalang sya saakin.

Hinatayin nyo lang ang pagbabalik ko......pababagsakin ko kayong lahat maslalo kana Kiana Chavez dahil inagaw mo saakin ang pinakamamahal kong lalaki.Nung una ipapaubaya ko sya sayo pero ngayon hinding hindi ko na palalampasin ang pagkakataon kong maagaw ko ulit sya sayo.Maghintay ka lang Kiana matatapos din ang mga masasaya mong araw kasama ang pinakamamahal mong asawa at anak........

------to be continued------

A/N:Minsan lang ako mag author's note kaya sana po pagbigyan nyo na ako😄😄😄

Dinededicate ko ang story na ito sa kaibigan kong may birthday today🎉🎉🎉

Happy Birthday to my bestfriend @jhinaider

--------

Sa mga gustong magrequest o kaya magpabati ng birthday saakin magcomment lang kayo dito o kaya sa ibang chapter ng story na ito.

Thank You Readers!!!

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon