Last Chapter

2.4K 47 4
                                    

Chase POV


"Maghanda na kayo ngayon dahil ngayon tayo susugod.Hindi dapat tayo umurong nung nakalaban natin sila nung isang Linggo.Kailangan natin silang talunin at dapat tayo ang mamahala sa kaharian nila!"Napapangiti naman ako sa tuwing nagsasalita si Valeria.Talaga ngang gustong gusto na nyang mamahala sa kaharian nila Kiana.Pato din naman ako gusto ko na matapos ang lahat ng ito at patayin nalang namin ang grupo nila Kiana at kami na ang mamahala doon at mamumuhay kami ng payapa ni Valeria at magkaroon ng maraming anak na magtutuloy ng lahi namin.


"Handa kana ba hon?"Tumango naman ako at hinalikan ko sya sa kanyang labi na ikinangiti naman nya.


Handa na akong makipaglaban at handa na akong sakupin ang kaharian nila.

--

Kasalukuyan kaming papunta sa kaharian nila Kiana ng bigla kaming may makasalubong na isang babae at dalawang lalaki pero yung isang lalaki ay bata pa,mukhang kakagaling lang nila sa pamamasyal at pabalik na sila sa kaharian nila pero hanggang dito nalang sila dahil gagamitin namin sila laban kila Kiana,mukhang malaki ang maitutulong nung tatlo kaya mapapakinabangan namin sila.


"Hulihin nyo sila!"Sigaw ko sa mga kawal na kasama namin at agad naman nila nahuli ang tatlo.Malakas ang yung isang lalaki dahil biglang napatumba ang may hawak sakanya at nabalibag ito kung saan.


Lumakad ako palapit doon sa lalaki at sinakal ko ito ng buong lakas.Tinignan ko muna si Valeria na tumatawa at may sinabi sya saakin na ituloy ko lang ang ginagawa ko sa lalaki.Hinigpitan ko ang pagkakasakal at nagmamakaawa saakin ang dalawa nyang kasama na bitawan ko na ito,bigla ko naman nabitawan ang lalaki ng biglang kagatin nung batang lalaki ang aking braso.Yung batang lalaki naman ang sinakal ko dahil sinira nya ang gusto kong gawin sa kasama nila at kailangan nya pagbayaran iyon at papatayin ko sya.


"A-aray p-po.......h-hin.....di na po a-ako.......m-makahinga...."Inangat ko ang bata mula sa pagkakasakal at diniinan ko pa lalo para malagutan na sya ng hininga.


"Tama na Chase!Maawa ka sa bata!"Tumingin naman ako sa babae na nagsalita.Paano nya nalaman ang pangalan ko?


"Sino ang nagsabi sayo ng pangalan ko?"Tanong ko sa babae habang sinasakal ko parin ang kasama nilang bata.

"Matagal kana maming kilala pero hindi mo na nga lang kami maalala dahil dyan kay Valeria!"Sigaw nito at saka tinuro ng asawa ko na nakangisi.


"Maawa kana Chase sa bata ibaba mo na sya!"Sigaw nito ulit.


"Ituloy mo padin Chase!"Tumingin naman ako sa asawa ko na nagsabi nun.


Sinunod ko ang sinabi nya.Tumingin naman ako sa bata na parang nawawala na ng hininga.Sige lang bata mamatay kana!


"Chase tama na!Anak mo yan!"Kunot noo naman akong napatingin sa isang lalaki na kanina ay sya yung sinakal ko.


Sinong anak?Ang alam ko ay wala akong anak?Hindi pa naman kami nagkakaanak ni Valeria pero sabi nung lalaki ay anak ko daw ang batang ito.Unti-unti nalang sumakit ang ulo ko.Ngayon ko nalang naramdaman ang sakit na ito at ngayon ay sobrang sakit nanaman ng ulo ko.


Kiana POV

"Chase tama na!Anak mo yan!"Tumakbo agad ako nung marinig ko ang sigaw ni Kaizer.


Hindi ako natahimik sa kaharian kaya umalis din ako dito dahil gusto ko din tumulong na hanapin ang mga kaibigan at ang anak ko at ito ngayon ang nasaksihan ko,sinakal ni Chase ang anak ko.


Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon