Kiana POV
Aagad akong lumabas ng kaharian at naabutan ko si Mark na yakap yakap ang kanyang ama.Tumingin ako kay Chase para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon nya pero ang nakita ko lamang ay ang ekspresyon nya na hindi makapaniwala.Hinugot ko agad ang anak ko sakanya at nilagay ko si Mark sa likod ko.
"Anong kailangan nyo,bakit nyo ito ginagawa?!"Lumapit saakin si Valeria at tinitigan ako gamit ang kanyang mapupulang nga mata.
"Hindi ako natatakot sayo!"Matapang kong sambit.Kinakabahan ako.Kinakabahan ako hindi dahil natatakot ako sakanya,kinakabahan ako dahil baka may mangyaring masama sa anak ko at sa mga kampon ko.
"Hindi rin ako natatakot sayo"Nakangising sambit niya.
"Jess!"Tinawag ko si Jess at buti agad din syang lumapit saakin.
"Ipasok mo muna si Mark at bantayan mo muna sya sa kanyang silid wag kayong lalabas hangga't wala akong sinasabi.Ako na ang bahala dito basta bantayan mo lang yang si Mark"Tumango lang iyo saakin at binigay ko naman sakanya si Mark na nakabusangot.Alam kong naguguluhan parin ang anak ko sa mga nangayayari pero hindi magtatagal malalaman din nya ang lahat ng ito at lahat ng mga pinaggagawa ko para lang maging ligtas sya.
"Bakit kayo nandito?"
"Hindi ba halata na gusto namin sakupin ang lugar niyo at kami dapat ang mamuno dyan.Kung tutuusin dapat kaming dalawa ni Chase ang namumuna dyan ngayon kung hindi ka lang dumating"Nakaramdam ako ng kaunting inis sa sinabi ni Valeria.Kailangan kong magtimpi dahil kapag hindi ako nakapagtimpi ibigsabihin nun ay pikon ako at talo ako sa tapatan naming dalawa.
"Sorry kung dumating ako hindi ko naman kasi sinasadya na mahulog ang loob nya saakin kaya sorry talaga dahil hindi ko akalain na naagaw ko pala sya sayo ng ganun ganun lang"Ngumiti ako ng pilit.Nakita ko sakanyang mukha na nainis sya sa sinabi ko.
"Pero sorry din dahil naagaw ko na sya sayo.Sorry sayo and specially sa anak mo na nawalan ng ama"Napatawa naman sya sa sinabi nya.Baliw ba sya?Sya lang ang tumatawa sa mga sinasabi nya.
"Baliw ka ba dahil tawa ka ng tawa sa mga pinagsasabi mong walang katuturan"2points na ako!
"Hindi ako baliw sadyang masaya lang ako dahil nasaakin na ang dating sayo"Hayshhh!!
"Simulan na natin ang laban!"Biglang sigaw ni Valeria na nagpasigawan din ng mga kampon nya.
"Ano akala nyo papatalo kami?"Lumingon naman ako sa kampon ko na kanina pa gustong gustong makapatay.
"1"
"2"
"3"
"Go"Pagkatapos kong sabihin ang 'go' naglaban na ang mga grupo namin.
Sa mga nakikita ko marami ang napapatay namin na kagrupo nila.Nagulat nalang ako ng bigla akong daganan ni Valeria at sinusubukan nya akong patayin gamit ang pagsakal saakin.
"Papatayin kita Kiana!"Parehas kaming nagsasakalan kaya kung sino ang unang bumitaw ay talo.
"Anong akala mo...ako lang ang papatayin mo?Nagkakamali ka dahil papatayin din kita hayop ka!"Naggulong gulungan kami kung saan-saan pero agad natigil ang sakalan namin ng biglang nay humablot kay Valeria at iba na ang sumasakal saakin.May kaunting tumulo sa aking mga mata.Hindi na sya ang dating minahal ko.Hindi na sya ang mapagmahal kong asawa na gagawin lahat para lang mapasaya ako.
"Hindi ko hahayaan na patayin mo ang mahal ko!"Hindi ako makapaniwala na nanggagaling ang mga salitang iyon kay Chase.Hindi ako ang pinagtatanggol nya....ibang babae.......
Sobrang sakit,hindi na ako makahinga sa pagsakal saakin ni Chase pero maslalo akong nasasaktan na ang taong nananakit sayo ng pisikal ay ang taong mahal na mahal mo pa.
"Ch-Chase....."Naluluha na ako ng binanggit ko ang pangalan nya.Hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha,nanatili parin iyong cold na parang hindi nya ako kilala at parang wala kaming pinagsamahan.
"Tama na yan Chase.Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para patayin ang isang yan."Tumigil naman si Chase sa pagsakal saakin at tumayo na.Si Valeria na ang sinusunod nya at hindi na ako.
Sobrang sakit!!!!Hindi ko na kaya!!!
------to be continued------
![](https://img.wattpad.com/cover/130405963-288-k133903.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2
VampirRank #51 (April 17,2020) Ito ang ikalawang yugto ng pagmamahalan nila Chase at Kiana. Maraming pagsubok na mangyayari na susubukin ang pagmamahalan nila. Hindi pa huli ang lahat at may isang pangyayari pa ang susubok sakanilang dalawa. Magiging sila...