Chase POV
"Chase!!!"Napatayo naman ako sa sigaw ng sang babae.Dali-dali akong pumunta sa kanya.
"Bakit,hon?"Tanong ko sa babae.Isang buwan na ang lumipas simula nung nakasama ko ang girlfriend ko.Masaya kami sa buong buwan na lumipas at kahit isang buwan palang kaming nagsasama nagpapasya na syang magpakasal kami para hindi na daw ako maagaw ng iba.Wala naman dapat syang pag-alalahanin dahil sakanyang sakanya na ako habang buhay.
"I love you Chase"Hinalikan nya ako ng smack at tsaka ngumiti saakin ng buong tamis.
"I love you too Valeria"Nginitian ko din sya at hinalikan ko ang kanyang noo.
"Tara kain na tayo"Napatawa lang ako.Parang narinig ko na ang ganyang salita pero hindi ko alam kung kanino galing iyon,siguro sa mga kaibigan ko o kaya sa mga bamapira o taong nasa palibot ko.....
Kiana POV
Alam na ng buong kaharian ng nangyari kay Chase.Hindi sila makapaniwala sa nangyari dahil parang noon daw ay sobra ang pagmamahalan namin na parang hindi na daw kami kayang paghiwalayin.
Nasasaktan ako sa tuwing nagsasabi saakin si Kaizer kung ano ang mga pinaggagawa ni Chase.Sya ang tumitingin at sumusunod kay Chase lagi.Palihim na sinusundan at inaalam ni Kaizer ang mga bawat galaw at kung nasan naroroon sya.
Masasakit ang mga bawat impormasyon na nalalaman ko pero tinatatagan ko parin ang loob ko dahil iniisip ko ang kapakanan ng anak ko at ang buong kaharian.Ako na lang ang natira dito sa kaharian kaya bilang asawa ng hari at bilang reyna ng kaharian na ito gagawin ko ang mga tungkulin na sa tingin ko ay ikakabuti ng kaharian na iniwan saakin ni Chase.Ako na ang pinakamataas sa kaharian na ito at gagawin ko ang lahat para maging ayos ang lahat.
"Mahal na reyna,may mga tao nanaman po sa labas at may mga dala po silang mga baril"Napatayo agad ako sa aking kinauupuan dito sa grand hall.
"Tawagin mo ang lahat ng kawal at sabihin mo sakanila na maging handa sa paglusob ng mga tao.Wag nyo hahayaan na pasukin ulit at saktan tayo ng mga yan.Gawin nyo silang mga kalahi natin para tayo ay masdumami pa."Tumango naman sya at tumakbo na palabas.
"Mahal na reyna"Napatingin naman ako sa tumawag saakin.Si Jess.Simula nung naluklok ako bilang isang pinakamataas na pinuno dito gumawa ng batas ang buong lahi ng bampira at kailangan nila akong galangin kahit kaibigan o kahit sino pa man maliban nalang sa aking anak.
"Ayos lang ba ang anak ko,Jess?"Tanong ko pagkatapos nyang itaas ang kanyang tingin saakin.Siya ang kinuha ko sa pagbabantay kay Mark.Mapapagkatiwalaan ko kasi si Jess dahil kaibigan ko sya at sya din ang tumutulong saakin kapag may kailangan at may problema ako sakanya.
"Mahimbing po syang natutulog sa kanyang silid."Ngumiti lang ako ng tipid.Alam na ni Mark ang lahat at sobra syang nalungkot dahil sa pag-iwan saamin ng daddy nya pero sinabi ko parin na mahal na mahal sya ni Chase kahit kami ay nakalimutan na nito.
"May mga taong nasa labas ng kaharian at balak nanaman nila tayong patayin kaya pakisabi sa lahat na maghanda sila sa paglusob ng mga ito."Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkabigla sa nalaman.
"Sige po mahal na reyna masusunod po ang ipinag-uutos nyo"Nginitian naman nya ako at akma na sanang aalis ng magsalita pa ulit ako.
"Pagkatapos mo sabihin iyon bumalik kana sa silid ni Mark at bantayan mo syang mabuti.Salamat Jess."Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya ng sobrang higpit.Nagpapasalamat akodahil lagi syang nandyan para saaming mag-ina at lagi nya akong tinitulungan sa lahat.Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng mabuti at mapagkakatiwalaan na kaibigan.
"Ikaw pa ba.Ano pa ba ang ginagawa ng magkaibigan edi ang pagtutulungan"Nginitian naman nya ako at kinalas na namin ang aming pagkakayakap at umalis na sya.
------to be continued------
BINABASA MO ANG
Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2
VampirosRank #51 (April 17,2020) Ito ang ikalawang yugto ng pagmamahalan nila Chase at Kiana. Maraming pagsubok na mangyayari na susubukin ang pagmamahalan nila. Hindi pa huli ang lahat at may isang pangyayari pa ang susubok sakanilang dalawa. Magiging sila...