Chapter 20

1.8K 47 0
                                    

Kiana POV



Nandito kami ngayon sa park na lagi daw pinapasyalan ni Vince nung nandito sya sa lugar ng mga tao.Sa buong buhay ko ngayon ko palang napuntahan ang park na ito kaya mangha na mangha ako sa ganda nito.




Maraming tao ang nandito ngayon dahil Linggo at bonding day iyon ng mga tao dahil walang pasok.Bawat madadaanan namin at makakasalubong namin na mga tao ay halata mo sa mga mukha nila na masaya silang lahat.Napatingin naman ako sa isang pamilya,marami sila at hula ko mga anak nila yung mga kasama nila at hula ko 8 ang mga bata na kasama nila.Masayang masaya silang namamasyal bigla ko tuloy naalala si Chase noong buong pamilya pa kami pero pinipilit ko na kalimutan na ito dahil malabo na babalik pa sya saamin ng anak nya.



Naramdaman ko nalang ang unti-unting paghapit ni Vince sa aking bewang kaya napatigil ako sa pag-iisip ko ng kung ano-ano at napatingin agad ako sakanya dahil sa ginawa nya.



"W-what are you doing?baka makita tayo ni Mark"Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa ginawa nya o hindi pero bakit parang nakakaramdam ako na gusto ko yung ginawa nya.





"Wala namang mali doon ahh"Inirapan ko nalang sya at hinayaan na sya sa ginawa nya.Akala ko ay tatanggalin na nya agad pero tumagal ito at hindi ko alam kung gaano katagal na syang nakahawak sa waist ko.




"Mommy,daddy!"Napatingin naman ako agad sa anak ko na ngayon ay nakatingin sa kamay ni Vince na nakalagay sa bewang ko.Tinatanggal ko ng pagkakahawak ni Vince pero ayaw nya talaga tanggalin kaya I give up at tinigilan ko na ang pagtanggal.



"May namamagitan po ba sainyo mommy and daddy?"Nagkatinginan naman kami ni Vince dahil sa tanong na iyon.Hindi ko alam ang sasabihin sa anak ko at siguro ganun din si Vince.




"W-we're friends"Kumunot naman ang noo ng anak ko pagkatapos ko sabihin iyon sakanya parang hindi sya makapaniwala sa sagot ko pero sana maniwala sya.




"Oo Mark,magkaibigan lang kami ng mommy mo"Nakahinga naman ako ng maluwag ng magsalita si Vince at nawala ang pagkakunot ni Mark at tinalikuran na kami.





"Bakit ba kasi ayaw mo tanggalin yang kamay mo sa bewang ko yan tuloy nakita ng anak ko"Inis na sambit ko.Alam kong rinig ng anak ko ang sinabi ko pero buti nalang dirediretso lang sya sa paglalakad na parang alam nya kung saan sya pupunta.




"Bakit masama ba?"Nakangisi namang sambit ni Vince.Pinalo ko sya nh mahina sa kanyang braso para tigilan na nya ang pagngisi nya saakin pero hindi parin talaga nagbago ang kanyang ekspresyon.




Hindi na ako nakipagtalo sakanya at sinundan ko nalang ang anak ko kung saan sya pupunta.Buti nalang tinanggal na ni Vince ang pagkakahawak sya sa bewang ko kaya nagmadali ako at sinabayan ko ang anak ko kung saan sya pupunta.





Mark POV



Buti nalang pinayagan ako ni mommy na magbonding kami kasama ang bago kong daddy.Kahit hindi ko totoong daddy si tito Vince ayos lang saakin basta meron akong tinatawag na daddy,miss na miss ko na kasi ang totoo kong daddy at parang nawawalan na din ako ng pag-asa na babalik pa sya sa kaharian at sa amin ni mommy.Gusto ko kasi magkaroon ng happy family pero sa nangyayari ngayon parang hindi na ulit kami magiging happy family at buti nalang nandyan si tito Vince na kinikilala kong bilang new daddy!




"Anak nagugutom kana ba?"Tumingin naman ako kay mommy na pinupunasan ang aking likod ng bimpo,kakatapos ko lang kasi makipaglaro sa mga ibang bata.Akala ko mahirap makisalamuha sa mga tao baka kasi malaman nila agad na hindi tao ang kalaro nila kundi bampira at baka matakot sila dahil kilala ang mga bampira bilang pumapatay ng tao.Pero hindi naman lahat ng bampira ay masama kaya sana wag sila matakot dahil may mga bampira din naman na mababait tulad ko ayaw ko ng pumapatay ng tao o kaya kakagat ng tao para lang may mainom akong dugo.Maspililiin ko nalang yung mga dugo ng hayop kesa sa mga tao.




"Nagugutom na po ako kaso nga lang po hindi ako sanay sa mga pagkain dito"Nalulungkot kong sambit.Hindi kasi talaga ako sanay pero yung nakakain ako ng inihaw na karne kanina sa pinuntahan namin na kainan ay nasarapan ako doon kahit first time ko palang na makakain ng ganun dahil ang kinakain ko ay puro hilaw na karne ng hayop.





"Kiana,kailangan na nating bumalik sa kaharian dahil may nangyayari daw doon na labanan at marami na ang napatay na kagrupo natin"Nanalaki ang mga mata namin parehas ni mommy sa sobrang gulat.




Lagi nalang may labanan na nagaganap at lagi nilang tinutugis ay ang aming kaharian at alam ko na kung sino ang may pakana nang labanan at kaninong grupo ang lumalaban saamin walanh iba kundi ang grupo ni Valeria at nila daddy.Gusto kasi nilang makuha ang kaharian para sila na ang mamumuno sa lahat ng bampira at balak din nilang sakupin ang lugar ng mga tao.Hindi na talaga nila alam ang mga pinaggagawa nila at pati narin si daddy pero kahit tatay ko sya hindi ko sya uurungan at kahit bata palang ako alam ko na ang dapat at hindi dapat gawin sa gitna ng laban.






------to be continued------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon