Chapter 21

1.8K 45 0
                                    

Kiana POV



Kasalukuyan kaming pabalik sa kaharian dahilsa binalita ni Vince saamin na nandyan nanaman ang mga may balak na labanan kami.Kinakabahan ako dahil marami na daw ang napatay sa grupo namin kaya hindi ako mapakali at hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat ko isipin ngayon.




"Wag kang mag-alala sigurado akong matatalo din natin sila"Kanina pa pinapalakas ni Vince ang loob ko at isa din na nagpapalakas ng loob ko ay ang anak ko.




"Mommy wag na po kayong mai-stress lalo dahil makakasama po yun baka po masiraan kayo ng pag-iisip dahil doon"Saglit akong natawa sa sinabi ng anak ko pero hindi ko parin talaga maiwasan na isipin ang lagay ngayon sa kaharian.




"Nandito na tayo"Bumababa na agad kami ng sasakyan at dumaan kami sa likod ng kaharian para hindi kami mapansin ng mga kalaban.



"Jess!"Tinawag ko si Jess at agad naman nya akong narinig at tumakbo sya sa kinaroroonan namin.Napansin ko din na parang namumutla sya ng makalapit na sya saakin.



"Teka bakit namumutla?"Tanong ko agad.




"Hindi ko na alam ang nangyayari ngayon Kiana,marami na ang namatay na kagrupo natin at isa na doon ang dalawa nating kaibigan na lalaki"Umiiyak na sambit ni Jess.Bigla nalang nanghina ang aking mga tuhod kaya napaluhod ako sa narinig.Hindi maaari na may mamatay sa mga kaibigan ko dahil isa sila sa mga pinapahalagahan ko din dito.





"Totoo ba yang sinasabi mo Jess"Gusto kong sabihin ni Jess na joke lang iyon at buhay pa sila pero mukhang totoo dahil sa pinapakita nyang ekspresyon saakin.





Tumayo agad ako mula sa pagkakaluhod na ikinagulat nila,hindi ito ang araw para maging mahina ako at nagpromise na ako sa sarili ko na hinding hindi na ako magiging mahina pa at lahat ng problema ko sa buhay ay kailangan kong harapin at hinding hindiko din dapat itong pagtaguan dahil gawain iyon ng isang mahina.





Agad ko naman narating ang main gate kung saan marami akong naabutan na patay at may naglalaban parin.Nakita ko sa hindi kalayuan na nanonood at tumatawa sila Valeria at Chase.Talagang ngang pinagplanuhan nila itong lahat at sinigurado nila na bago nila kami labanan inalam na muna nila na may problema kami dito sa kaharian.





Agad akong pumunta ng hindi namamalayan ni Valeria at agad ko syang sinunggaban.Lumakas si Valeria kaya hindi ko sya kayang talunin agad agad.Lalapitan na sana ako ni Chase para tulungan si Valeria pero agad ko syang sinipa kaya napatumba sya.






Sobrang bilis ng galawa naming dalawa ni Valeria pero kahit isa ay wala pang napupuruhan saamin.Hindi makalapit lapit saamin si Chase dahil sinisipa ko sya agad bago pa man sya makalapit saamin.






"Mommy!"Napatigil ako sa pakikipaglaban at tumingin sa anak ko na hawak ng kagrupo ni Valeria.Tatakbo na sana ako sa anak ko ng biglang hawakan ni Valeria ang braso ko at malakas ako tinumba kaya agad akong napahiga dahil sa lakas nya.Pinipilit kong tumayo pero bigla nalang may sumipa saaki,tinignan ko kung sino ang sumipa saakim at si Chase iyon.Ganun na ba sya ngayon?!






Dumagan si Valeria saakin at sinakal nya ako gamit ang isa nyang kamay at yung isa naman nyang kamay ay ginamit nya para sampal-sampalin ako at nagulat nalang ako ng bigla nyang kalmutin ang aking mukha naramdaman ko ang sobrang hapdi at may tumutulong dugo sa aking mukha,pero hindi dapat dumudugo ng aking mukha dahil dapat agad din itong naghihilom pagkatapos masugatan pero bakit ganun hindi manlang sya naghilom at ptuloy parin ang dugo sa pagdaloy nito.Bigla naman may humila kay Valeria at nakita ko na si Vince ang may gawa nun at agad naman nyang binalibag kung saan si Valeria.Pagkatapos gawin iyon ni Vince at agad nya akong tinulungan na makatayo pero pagkatayo ko ay bigla naman syang sinugod ni Chase kaya naglaban silang dalawa.Tinignan ko ang anak ko kung nasaan sya at nakahinga nalang ako ng maluwag nung nakita ko sya na hawak na ni Jess at nasa malayo sila.





Magkapatayan na kung magkapatayan basta ililigatas ko ang buong kaharian namin......





------to be continued-------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon