Chapter 22

1.7K 48 0
                                    

Kiana POV

Madaling araw na at buti tapos na ang labanan pero alam ko na babalik at babalik parin sila at hinding hindi sila titigil hanggang't hindi nila kami natatalo pero hindi ko naman hahayaan na matalo lang kami basta-basta gagawa ako ng paraan para hindi lang nila kami matalo.


"Jess,pwede ba tayong mag-usap?"Naagaw ko naman ang atensyon niya at tumango lang sya saakin.

Pumunta kami sa garden nitong kaharian at para  hindi kami mapansin ng ibang bampira.Umupo kami sa isang bench.

"Ano ang pag-uusapan natin?Dapat nagpapahinga kana ngayon dahil pagod ka dahil sa labanan kanina"Umiling lang ako.

"Importante itong sasabihin ko sayo"Seryoso kong sambit.

"Sige ano yun?"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung paano ko ito sasabihin sakanya.



"Kasi......."Pagsisimula ko.


"Kasi.........ano?"Kunot noo nitong sambit.


"Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin saiyo"


"Huh?Ano ba kasi iyon?"

"Kaya mo ba ang responsibilidad dito kapag nawala na ako?"Diretso kong tanong sakanya.Alam kong maguguluhan sya sa sinabi ko pero gusto ko na talaga itong itanong sakanya noon pa.




"Ano ba yang pinagsasabi mo?Wag ka nga magloko...."



"Hindi ako nagloloko,seryoso ako sa sinasabi ko Jess"Sumeryoso naman ang mukha nya pero puro lang buntong hininga lang ang ginagawa nya.




"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo dahil hindi naman ako sigurado na mananatili parin akong narito"Pati ako at napabuntong hininga narin.




"Pero kung manatili ka man dito at ako ay hindi na,pwede ka ba saakin magpromise na tutuparin mo ang sasabihin ko sayo?"Umiwas naman sya ng tingin pero binalik nya rin ito.




"Sige magpapromise ako sayo na kapag ako ay nanatili dito gagawin ko lahat ng mga iuutos mo saakin"Tumango naman ako.



"Ipromise mo saakin na kapag nawala na ako ikaw na ang mag-aalaga sa anak ko at sayo ko na ibibigay ang trono ko"Alam kong naguguluhan sya sa mga sinasabi ko pero gusto ko lang malaman nya na agad ang mga habilin ko sakanya kapag nawala na ako dito sa mundo.


Hindi naman kasi ako super hero para matalo ko lahat ng kalaban at hindi ako sigurado kung mabubuhay ba ako o kaya mamamatay nalang.Pero handa kong ialaya ang sarili kong buhay para lang sa ikatatahimik ng kaharian at sa ikabubuti ng lagay ng nasasakupan ko.



------to be continued------

A/N:Pabitin ng pabitin na po ang lahat ng chapter na iuupdate ko simula ngayon.


Don't forget to vote and comment for your reaction to the chapter and if you have any saggestion just message me!And also don't forget to follow me!

Thank you readers!Enjoy the story and wait for my next update!

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon