Chapter 6

2.1K 57 0
                                    

Someone's POV

"Nasaan na lahat ng mga sangkap?"Inabot saakin ng katulong ko ang isang tray na may laman na iba't ibang sangkap.Kailangan ko dapat gawin ang ritwal upang mapadali ang aking plano.

"Mapapasaakin ka din mahal kong Chase.Alam ko na matagal na panahon narin nung huli nating pagkikita pero wag ka mag-alala,mahal ko,babalik na ako at kukunin na kita sakanya"Sabik na sabik na akong mapasaakin sya kaya gagawin ko ang lahat upang mabawi ang dapat saakin na kinuha ng iba.

"Kailan nyo balak bumalik,Madam"Napalingon ako sa nagsalita.Napangiti ako kung sino iyon.

"Malapit lapit narin kaya maghanda na kayo"Tumango lang ito saakin at saka umupo sa sofa.Malapit na ang panahon ng aming pagkikitang muli..........

Kiana POV

"Chase tama na!Maawa ka naman saakin"Pagmamakaawa ko kay Chase.Kanina pa kasi sya galit at pinaparusahan nya ang mga tauhan namin dito pero hindi ko nakayanan ang mga parusa na ginagawa sakanila ni Chase kaya pinagtanggol ko sila kaya ngayon ako naman ang pinaparusahan ni Chase sa harap ng maraming bampira at ang masaklap sa harap din ng mga kaibigan namin at sa anak namin.

"Hindi ako naaawa sayo!"Hinampas nya ulit saakin ang isang tali na kahit isang palo lang sayo ay magkakaroon na agad ng hiwa ang iyong balat.

"Chase,tama na maawa ka naman sa asawa mo!"Narinig ko na sigaw ni Kaizer.Lahat ng bampira ay halata mong naaawa na saakin pero hindi nila ako maipagtanggol dahil baka sila rin ang isunod ni Chase na parusahan.

"Dapat lang sakanya yan dahil nangengealam sya sa mga ginagawa ko!"Sigaw naman ni Chase.Puro hiwa na ang katawan ko at nanghihina narin ang buong katawan ko.Hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa nya,bakit nya ako ginaganito,wala naman akong ginawang mali nung wala sya dito.

Nakita ko naman na binagsak na nya ang tali na hawak nya at umalis.Agad na nagsilapitan ang mga kaibigan at ang anak ko saakin at tinanong kung kaya ko pa ba.Hindi na ako nakasagot dahil unti unti nang dumilim ang aking paningin at bumagsak na ako.

Kaizer POV

Ano ba ang nangyayari sa lalaking yun?!Wala na ba sya sa sarili nya para saktan nya ng ganun ang sariling nyang asawa na wala manlang kalaban laban sakanya.

"Pare ano bang problema mo?"Humarap sya saakin.Nagulat ako na nakalabas ang pangil nya at pulang pula ang mga mata nya na parang sinisimbolo nito na may papatayin sya ngayon.

"Pare hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko"Bigla naman nawala ang mga mapanganib nyang pangil at ang kanyang mapupulang mata.

"Sabihin mo saakin kung ano ba talaga yang problema mo pare"Umupo kami sa isang bench dito sa garden.Napansin ko naman na hinilamos nya ang kanyang mukha sa kanya palad at tumingin saakin na halata mo na talagang may malaking problema na kinakaharap.

"Wala na yata ako sa sarili.Nararamdaman ko pare na parang kinocontrol ako at sa tuwing nakikita ko si Kiana ay parang gusto kong patayin sya pero may parte saakin na ayoko syang patayin.Ayokong patayin si Kiana,pare.Mahal ko sya,mahal na mahal ko sya.Tulungan mo ako na mawala ang sumpa saakin para matahimik na kami nga buong pamilya ko at para matahimik na din itong kaharian."Naguguluhan ako sa mga paliwanag nya pero sinusubukan ko pa naman na intindihan ang sitwasyon nya ngayon.Alam ko na hindi nya talaga intensyon na saktan ang asawa nya pero naguguluhan ako sa sinabi nya na may kumocontrol daw sakanya.Sino naman ang kocontrol sakanya??

Wag ka mag-alala pare tutulungan kita hanggang sa kaya ko pa.

Chase POV

What's happening to me!!!Nababaliw na yata ako!!Bakit ko yun nagawa sa asawa ko!!!Hindi ko talaga sya kayang saktan pero parang may nagtutulak saakin na saktan sya at tuluyan ko na syang patayin.Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ako ang makakapatay sa sarili kong asawa.Mahal ko sya pero bakit ko ito nagagawa sakanya??

"Ganito pare,kakausapin ko muna si Kiana na kailangan mo munang umalis dito dahil may problema ka,sasabihin ko sakanya ang problema mo para hindi sya mag-alala...."Tumango lang ako at naghintay ng sasabihi nya pa.

"tapos kapag nasa labas kana ulit ng kaharian tutulungan naman kita na ayusin ang mga problema mo"

"Salamat pare buti nalang nandyan ka palagi"Nginitian nya lang ako.

"Masyado kang madrama pare."Nagtawanan naman kaming dalawa at saka pumasok sa loob ng kaharian.

Sorry Kiana kung iiwanan ko ulit kayo ng anak natin pero sa ikabubuti naman ng lahat iyon.Wag ka mag-alala kapag maayos na ang problema ko babalik na ako sainyo at magiging masayang pamilya ulit tayo tulad noon.........


-------to be continued--------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon