Kiana POV
Bakit ako nakakaramdam ng ganito!!!??Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon matapos ang araw na nakita ko sya muli pero sa tuwing maaalala ko ang nangyari hindi ko ito matanggap.Masakit saakin na ang taong mahal mo ang sasakit pa sayo.
"Tahan na"Iyak lang ako ng iyak dito saaking silid habang hinahagod ni Jess ang aking likod.
"Jess,bakit ganun ang ginawa nya saakin?Hindi na ba nya ako maalala?"Naramdaman ko ang braso ni Jess na pumulupot saakin.Ngayon nalang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam na may tao pa talagang nandyan para saakin.
"Anong gagawin ko?Gusto ko ng magpakamatay"Hindi agad nakasagot saakin si Jess pero naghihintay parin ako ng sagot nya para matulungan nya ako sa problema ko.Hindi ko na talaga kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil marami na ang problema na dumadaan sa buhay ko.Hindi ba pwede na maging masaya nalang ako sa buong buhay ko at wala ng problema pa ang dumating saakin pero alam kong imposible ang mga gusto ko dahil lahat ng tao ay may problema at walang tao ang hindi.
"Wag kang susuko.Aalahanin mo na nandyan ang anak mo kaya wag kang padalos dalos sa mga desisyon mo.Wag mo hayaan na maging ganito ka nalang na mahina"
Inalala ko lahat ng sinabi saakin ni Jess at tatandaan ko yon lahat.Tama ang sinabi nya hindi dapat ako nagpadalos dalos sa mga desisyon ko sa buhay kailangan ko tandaan na may anak ako at kailangan ko syang palakihin ng tama kahit iniwan na kami ng kanyang ama.Kailangan harapin ko ang lahat ng mga problema ko dahil walang mangyayari kung patuloy ko parin itong tinataguan.Kailangan kong maging malakas hindi lang para sa sarili ko at sa anak ko kundi para sa lahat ng nasasakupan ko.
Chase POV
"Chase.......let's sleep....ano ba yang iniisip mo?"Lumingon ako sa katabi ko na nakayakap saakin at nginitian ko sya.
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa ang mga nangyari nung nakita ko yung sinasabi nila na pinuno daw ng isang malaking angkan ng mga bampira.Parang kilala ko na sya noon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalala kung sino sya.Yung lumapit din saakin na batang lalaki ay nakaramdam na agad ako ng hindi ko maipaliwanag na nararamdaman na parang magaan ang pakiramdam ko sakanya.
Jess POV
Naaawa na ako sa lagay ni Kiana.Kung ako ang nasa lagay nya ngayon siguro masasaktan din ako ng sobra sobra.
"Jess,nasaan si Kiana?"Napalingon naman ako sa nagsalita at nalaman ko na si Kaizer pala iyon.
"Nasa grand hall sya"Akala ko ay umalis na sya kaya tumlikod na ako pero hindi pa pala dahil naramdaman ko sya sa likod ko.Naramdaman ko ang braso nya na pumulupot sa bewang ko kaya agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa ginawa nya.
"Anong problema mo?"Tanong ko dito.Hinintay ko ang sagot nya pero hindi sya sumagot.
"Miss na miss na kita"Sinandal nya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"I-I miss you too"Hindi oo alam kung bakit ako nauutal pero siguro dahil na rin sa first time kong marinig sakanya ang salitang iyon kaya ako nagkakaganito.
Tumagal ang pagyakap nya kaya hindi ako masyadong makahinga ng maayos dahil ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako masyadong makagalaw ng maayos.Nakahinga ako ng maayos ng bigla syang humiwalay sa pagkakayakap sa likuran ko at iniharap naman nya ako sakanya.Nakita ko ang mga mata nya na may halong pag-aalala kaya naguluhan ako kung bakit sya nag-aalala.
"May nararamdaman ka ba saakin?"Naguluhan ako sa diretso nyang tanong saakin.
"T-teka saan m-mo ba nakukuha ang mga g-ganyang salita?"Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nauutal.
"Basta sagutin mo nalang ang tanong ko"Lumingon lingon na muna ako kung saan-saan para naman maiwasan ko ang mga tingin nya pero hindi ko talaga maiwasan na tignan sya.
"H-hindi ko alam.Agad-agad ka naman kasi nagtatanong ng ganyan kaya hindi ako sigurado sa mga isasagot ko"Umiwas sya ng tingin saakin kaya parang nakaramdam ako ng guilty sa sarili,parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi ko at sabihin nalang sakanya kung ano ang nararamdaman ko talaga pero parang maaga pa ang panahon kaya marami pa akong time para pag-isipan ang mga ganitong bagay.
"Sorry kung nabigla kita.Sige aalis na ako"Hindi ko na sya napigilan dahil tuluyan na syang umalis.
Shit!!Naiinis ako sa sarili ko!Pero bakit ako naiinis ehh totoo naman na hindi ko pa talaga alam kung ano talaga ang nararamdaman ko sakanya.
-------to be continued-------
BINABASA MO ANG
Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2
VampireRank #51 (April 17,2020) Ito ang ikalawang yugto ng pagmamahalan nila Chase at Kiana. Maraming pagsubok na mangyayari na susubukin ang pagmamahalan nila. Hindi pa huli ang lahat at may isang pangyayari pa ang susubok sakanilang dalawa. Magiging sila...