Chapter 5

2.2K 60 0
                                    

Kiana POV

"Chase,buti naman nakabalik kana"Masaya ako dahil nakabalik na sya dito pero ang ikinalulungkot ko parin dahil naaalala ko parin kung ano ang mga nasa larawan pero pinipilit ko nalang na maging matatag para sa anak namin.

"Dito muna ako for 2 days only at babalik ulit ako sa office."Cold nitong sambit.Bawat salita na binibigkas nya ay parang hindi ko na makilala kung sino ang nagsasalita dahil sa sobrang cold ng boses nya.


"Alam kong galit ka saakin Chase.Pero sana naman wag mo kalimutan ang responsibilidad mo sa anak natin.Kailangan ka ni Mark kaya sana naman wag mo sya biguin.Kahit wag mo na ako alalahanin dahil alam ko naman na lahat ng mga pinaggagawa mo nung mga araw na wala ka dito sa kaharian pero sana naman wag mo kalimutan si Mark,pakiusap Chase"Naluluha na ako.Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na ito.


"Hindi ko naman sya kinakalimutan kaya wag kang maging OA"Ako OA??Wow!sino ba ang hindi magiging OA kung kinabukasan ng anak ko ang nakasalalay dito!


"Akala ko totoo ka sa mga sinasabi mo saakin nung kinasal tayo pero hindi pala pinaikot ikot mo lang ako!"Tumingala nalang ako para mapigilan ko ang mga luha na nagbabadya nang tumulo.Pinipigilan ko na hindi maiyak dahil ayokong maging mahina ako sa harapan nya.


"Noon yon hindi NGAYON!"Talagang diniinan nya pa talaga ang salitang ngayon.Hindi nya dapat diniinan yon dahil alam ko naman na.


"Mommy,daddy bakit po kayo nagsisigawan?"Sabay kaming napatingin sa anak namin na kakapasok lang sa kwarto at halata mo sa mukha nya na nagtataka sya.Lumapit ako sakanya at lumuhod para pantay kami.


"Naglalaro lang kami ng daddy mo ng palakasan ng boses"Sambit ko at hinalikan ko sya sa pisngi.Tumingin naman ako kay Chase kung sasang-ayon ba sya sa sinabi ko pero imbes na sumang-ayon,umalis sya ng kwarto at pabalibag na sinara ang pinto.

"Bakit po parang galit si daddy?"Tinignan ko muna si Mark saglit at saka ko sinagot ang tanong nya.


"Hindi lang nya kasi matanggap na natalo sya sa laro namin"Pilit akong ngumito sa anak ko para naman hindi nya mapansin na nagsisinungaling ako sakanya.Tumango lang sya.Buti nalang hindi na nagtanong si Mark kaya nakahinga na ako ng maluwag.


Sinabihan ko na muna si Mark na maglaro muna sya sa labas kasama ng mga friends nya na batang bampira.Gusto ko munang papag-isa.Gusto kong mag-isip kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagtira dito dahil puro sakit na ang dinadala ni Chase saakin.Gusto kong umalis na dito pero hindi ko naman kayang iwan dito ang anak ko maslalo na nasa kaharian sya ni Chase.Masgugustuhin ko nalang na tumira kami ni Mark sa labas ng kaharian kesa naman dito.


Chase POV

Ano na ba itong nangyayari saakin bakit ako nagkakaganito.Hindi ko naman intensyon na sigawan at makipag-away kay Kiana pero bakit parang nag-iiba lagi ang ugali ko,hindi ko na masyadong kilala ang sarili ko dahil sa mga kakaibang nangyayari saakin,para kasing may nagcocontrol saakin.


"Pare!"Nagulat naman ako sa tumawag.Si Kaizer lang pala.

"Parang may problema ka ahh"Sambit nito na nakangisi pa.Nakasanayan na talaga nyang ngumisi.


"May napapansin ka bang kakaiba saakin?"


"Meron"Maikli nitong sambit.


"Ano naman?"


"Ngayon lang kita nakita sa mga bar ngayon hindi tulad noon na lagi ka nalang nasa tabi at lagi ka nalang din buntot ni Kiana"Napaisip ako sa sinabi nya.


"Nag-away kami ni Kiana"Kumunot naman ang noo nito.

"Anong dahilan?"

Kinuwento ko lahat sakanya ang nangyari at binigyan naman nya ako ng advice.Sinabi din nya saakin yung sinabi ko daw kanina sakanya nung nasa bar pa daw kami bago ako umuwi at yung pagkakaroon ko daw ng babae na kasama sa iisang kwarto.Hindi ako makapaniwala na sinabi ko pala ang mga ganung salita.Hindi dapat ako maniniwala sakanya pero naisip ko din na kaibigan ko si Kaizer at hindi sya magsisinungaling saakin.


Itatama ko lahat ang mga mali ko.Sorry Kiana kung nasaktan kita pero tandaan mo na mahal na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.Tandaan mo din na hinding hindi ko kayo pababayaang dalawa ng anak ko.


-------to be continued------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon