Special Chapter 2

2.2K 53 1
                                    

Chase POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagbabalik ng asawa ko.Sobrang saya ko na kumpleto na kami.

"Mommy!" Mabilis na tumakbo si Mark patungo sa kanyang ina.

"Mommy, akala ko patay kana talaga pero nandito kana ulit kaya happy na ako dahil happy family na po tayo" Habang nakatingin ako sa mag-ina ko parang may nabubuo na luha sa aking mga mata alam kong masyadong bakla pero hindi ko lang talaga mapigilan dahil sa iba't ibang nararamdaman ko.

"Tara kumain na tayo at sigurado gutom ka narin Kiana"Sambit ko. Nilingon ko sya pero imbes na masaya ang magiging reaksyon nya ay malungkot ito.......

"Bakit ka malungkot?" Sambit ko habang papunta kami sa dining.

"Inaalala ko lang kasi yung mga nangyari dito sa kaharian simula nung kinasal tayo hanggang ngayon na bumalik kana at nabuhay narin ako"

"Alam mo dapat nga hindi ka dapat malungkot dahil ngayon ay kumpleto na talaga tayo at wala ng sagabal pa at tandaan mo ito na kahit ano pang mangyari ay hinding hindi ko na kayo iiwan pa ni Mark tulad ng pang-iiwan ko sainyo noon at iyon ay pinagsisihan ko dahil nalagay kayo sa panganib na dalawa." Nakita ko sa mga labi nya ang mga ngiti na miss na miss ko na din makita.

Pagkatapos namin kumain dinala ko na sya sa aming silid dahil siguradong pagod na pagod na sya.

Nakatingin lamang ako sakanya habang nakahiga kaming dalawa sa kama.

"Tama na pagtitig Chase baka mamaya matunaw ako nito ehh" Ngumiti naman ako sa sinabi nya at hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ito.

"Pwede ba ako magtanong?" Nagmulat ito ng tingin at tinignan ako na parang nagtatanong.

"Tungkol saan?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at diniretso ko na talaga dahil ito ay kanina pa bumabagabag sa aking isipan mula nung bumalik sya dito sa kaharian.

"Paano ka pala nabuhay ehh diba kasama ka doon sa pagsabog?" Natawa naman ito na parang may nakakatawa sa tanong ko. May nakakatawa nga ba? Wala naman ahh?

"Gusto mo talaga malaman?" May pilyang ngiti sa kanyang mga labi kaya parang nagdududa na ako kung sya nga ba talaga ito?

"Ikaw ba talaga yan Kiana? Baka naman hindi ikaw iyan at baka may balak ka na patayin ako?"

"Uyy wag ka ngang paranoid dyan! Ako nga ito si Kiana! Tinatakot lang naman kita!" Napailing iling nalang ako sa mga sinabi nya.

"Sabihin mo na kasi ang totoo Kiana para naman hindi na ako napaparanoid at baka mamaya mabaliw pa ako sa kakaisipi kung paano ka nabuhay"

"OA naman nito, baliw agad hindi ba pwede stress muna bago mabaliw?" Aishhhh! Kung hindi ko lang ito asawa at ina ng anak ko baka kanina ko pa ito hinatulan ng kamatayan......

"Sige na sabihin mo naman na plssss........"

"Whahahaha sige na nga........Ganto kasi yun, nagising nalang kasi ako sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Hinanap ko kayong dalawa doon ni Mark kasi nagbabakasakali ako na baka nandoon kayo pero nakailang tawag at sigaw na ako ng pangalan nyo ay wala paring lumalabas kahit isa sainyong dalawa kaya nagsimula na akong matakot dahil nasa isip ko na baka iniwan nyo na ako at mag-isa nalang ako sa lugar na iyon at nawala naman ang takot ko ng may biglang lumapit saaking isang matandang lalaki at batang babae na mukhang kaidaran lang ni Mark. Sinabi nila saakin kung nasaan ako pero hindi ko ito masasabi saiyo dahil isa itong sikretong lugar at nagpromise ako sakanila na hindi ko ito sasabihin kahit na kanino kaya tutuparin ko ang pangako ko sakanila bilang pagtanaw na din ng utang na loob. Hindi nila inexplain saakin kung anong ginawa nila at ang sinabi lang nila saakin ay huwag sasabihin kahit kanino ang lugar na iyon. Inilabas ako ng batang babae sa lugar at nagulat nalang ako na nasa gubat na ako kung saan daw nila ako natagpuan at ayun ay kung saan din ako namatay. Naisip ko na bumalik dito dahil miss na miss ko na kayo ni Mark at buti nalang bago pa lumalim ang gabi ay nakarating na ako dito at nagpapasalamat ako na hindi nyo padin ako nakakalimutan." Siniil ko nalang sya ng halik dahil sa mga nalaman. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero ang nasa isip ko lang ngayon ay masaya ako dahil bumalik sya saamin ni Mark.

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon