Chapter 15

1.8K 53 0
                                    

Kiana POV

2 years later.............

Makulimlim ang buong kalangitan ngayon dahil may paparating daw na bagyo.Dalawang taon na abg lumipas na hindi namin sya nakasama ng anak nya pero kahit ganun pinilit parin namin na maging masayang dalawa.Six years old na ang anak ko ngayon at alam na nya ang lahat ng mga nangyayari dito at sa pagitan ko at sa kanyang ama.Unti-unti na din lumalakas ang kakayanan ni Mark na makipaglaban,hindi ko naman na sya mapipigilan sa mga gusto nya dahil wala naman na akong magagawa dahil gusto nya ang mga ginagawa nya kaya ito nalang ako at sinusuportahan ko nalang ang anak ko kahit alam kong bata pa sya.

"Mommy!"Napalingon naman ako sa tumawag saakin.Si Mark.Tumatakbo sya papunta saakin napansin ko naman na may dala syang puting sobre.Inabot naman nya saakin ito kaya agad agad ko naman iyong binuksan.Tinignan ko muna ang anak ko bago ko basahin kung ano ang nakasulat doon.

Dear Mommy,

       Thank you po dahil lagi po kayong nandyan para saakin.Alam ko po na hindi kayo masyadong payag sa mga pinaggagawa ko po ngayon pero hinatyin nyo lang po magiging magaling din ako tulad ni daddy.Kahit po wala si daddy nakakaya nyo parin po akong buhayin mag-isa.You're the best mommy in the world!
I love you mommy!I love you forever!

                                               
                                         From:Mark💖

Binalik ko naman agad ang tingin sa aking anak na nakangiti saakin ng sobrang lapad at niyakap nya ako ng mahigpit.Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil hindi ko aakalain na susulatan ako ng anak ko ng ganito.Masayang masaya ako dahil nagkaroon ako ng anak na tulad nya,kahit minsan magulo si Mark pero ramdam na ramdam ko parin na mahal na mahal nya ako.

"I love you mommy!"Lumuhod naman ako sa harapan nya para magkapantay kaming dalawa at hinalikan ko sya sa kanyang pisngi at noo.

"I love you too baby kooo!"Binitbit ko sya hanggang grand hall at binaba ko sya doon.

"Mommy bakit mo ako pinasok dito?Gusto ko pa po makipaglaro sa mga friends ko doon sa labas"Nakita ko naman na sumimangot ang anak ko kaya napangiti ako ng kaunti.Cute talaga ng anak ko!

"Magpalit ka muna ng damit dahil basang basa ka na ng pawis mo ohh"Tinignan nya ako na nakapout parin.

"After mo magpalit ng damit pwede kana ulit maglaro with your friends"Ngumiti naman sya saakin at hinawakan nya ang aking kamay at hinila na ako paakyat at pupunta sa kwarto.Hayss,sabik na sabik na talaga sya maglaro.

Pagdating namin sa kwarto nya kumuha na agad ako ng bago nyang damit sa kanyang cabinet.Pinunasan ko muna sya dahil basang basa na talaga sya ng pawis at baka matuyuan pa sya.Pagkatapos ko syang punasan nilagyan ko muna ng pulbos ang likod at harapan nya at saka ko pinasuot sakanya ang damit na kinuha ko kanina at nilagyan ko sya ng bimpo sa likod nya dahil sigurado ako na papawisan nanaman sya.


"Okay na!"Pagtapos nun ay bumaba na kami at hinatid ko sya sa garden dahil doon daw naglalaro yung mga friends nya.Pagdating namin doon ay binati kaming dalawa ng mga bata at yung mga ibang bampira na nandoon din dahil binabantayan din nila ang anak nila.

"Babalik na ako sa loob ahh"Kiniss ko muna sya sa pisngi nya at pumasok na sa loob.May inutusan naman ako na magbantay sa anak ko kaya wala dapat akong ipag-alala.May dapat pa kasi akong tapusin na trabaho sa loob dahil ako narin ang humahawak ng mga iniwan na company ni Chase.Kahit nandito ako sa kaharian patuloy parin ang paggawa ko ng trabaho.


"Busy nanaman ang mahal na reyna"Napansin ko naman a may sumabaw sa paglalakad ko kaya lumingon ako at si Jess pala iyon.

"Lagi na nga lang akong busy kaya minsan hindi na ako nagkakaroon ng time para kay Mark"Nginisihan nya lang ako.

"Kamusta na pala kayo ni Kaizer?"Napansin ko naman na nagbago ang kanyang ekspresyon pagkatapos ko magtanong tungkol sakanilang dalawa ni Kaizer.

"Anong meron bakit ganyan ang mukha mo?"Hindi parin nag-iba ang kanyang ekspresyon.

"Sagutin mo nga ako kung may problema ba talaga kayong dalawa"Tinignan naman nya ako.

"Kasi si Kaizer lagi nalang hindi sinasagot yung mga tawag ko sakanya at minsan lang sya magreply sa mga text ko at yung iba ay late pa"Hay naku!Ang magjowa nga naman na ito.

"Alam mo baka busy lang sya o kaya naiiwan lang nya yung cellphone nya kung saan kaya hindi sya agad nakakasagot sa mga tawag mo at mga text mo"

"Hayssss lagi nalang!"Saka nya ako nilayasan.Ayy aba naman ako pa ang nilayasan ng lola nyo!Grabe sumakit ang bangs ko sakanya ahh!Sya na nga itong tinutulungan sya pa ang may ganang magwalk out!

Talaga naman Jess!

-------to be continued-------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon