Chapter 16

1.7K 48 0
                                    

Kiana POV


Nandito kami ngayon sa isang secret room.Nagpagawa ako ng isang secret room dito para dito kami mag-usap usap tungkol sa mga gagawin namin na hakbang para malabanan ang grupo nila Valeria,alam ko na hindi agad agad susuko iyon at gagawa ng paraan iyon para makapagtapat ulit kaming dalawa kaya dapat maging handa ako lagi.



"Mahal na reyna,kaunti nalang po angmga kawal natin dahil napapatay po sila tuwing may mga labanan na nagaganap.Kailangan natin humanap bg mga kapalit nila"



"Maaari tayong pumunta sa lugar ng mga tao"Umiling agad ako sa isang suwestyon ng isa sa mga bampira.



"Hindi dapat tayo mangbiktima ng mga tao sa kagustuhan lang natin na dumami ang miyembro ng grupo natin."




"Tama ang mahal na reyna.Hindi dapat tayo mangbiktima ng kahit na sino"Pagsang-ayon naman saakin ni Jess.



"Ano ang maaari nating gawin,mahal na reyna?"Nag-isip ako ng mabuti.




"Siguro kailangan na nating itrain ang mga ibang bampira hangga't hindi pa naghahamon ng laban ang grupo nila Valeria."Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko.



"Kailan naman po natin sisimulan ang pagtrain sa mga ito?"Tumingin naman ako sa isang bampira na nagtanong saakin.



"Simulan na natin ngayon hangga't maaga pa dahil mahihirapan tayo kapag huli na ang lahat"Tumayo ako sa kinauupuan ko.



"Sige aalis na ako,kayo na ang bahala mag-usap dahil may kailangan pa akong tapusin sa aking opisina"Nagsitanguan naman sila lahat at saka ako umalis.



Dahan-dahan akong lumabas sa secret room upang walang makapansin saakin at nagtagumpay naman ako dahil wala talagang nakapansin saakin na iba.Dumiretso ako sa opisina ko at umupo sa swivel chair ko.Sinimulan ko na ang mga pagbabasa ng mga pinadala nila saaking papel na kailangan ko daw pirmahan.




Habang pumipirma ako ng mga papeles bigla nalang may bumukas ng pinto kaya napatingin ako kung sino ito.Ngayon ko nalang sya nakita malipas ng maraming panahon,ngayon konnalang nasilayan ang mukha nya.Naguguluhan ako kung bakit sya nandito matapos na hindi ko sya makita ng ilang taon?




"Anong kailangan mo Vince?"Unti-unti syang lumapit saakin hanggang sa nakatukod na ang dalawa nyang kamay sa lamesa ko.



"Kamusta?"Napansin ko na maslalo yatang naging maangas ang mukha nya at pati narin ang ugali nya.



"A-ayos lang naman ako"Bakit ganun nauutal ako sa pagsasalita,kainis naman ohh!




"Ang alam ko ay may nangyari daw sainyo ng mahal na hari at ang pagkakaalam ko din ay hiwalay na daw kayo at iniwan nya sayo ng anak nyo"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nya iparating saakin.Ngayon ko lang na tanong sa sarili ko na paano sya nakapasok dito sa kaharian ng basta basta lang?Sabi ng iba noon na umalis na daw sya dito sa kaharian,pero bakit nandito sya ngayon sa harapan ko?




"Sagutin mo ang tanong ko sayo kanina.Anong kailangan mo?"Ngumisi lang sya.Naiinis ako sa lalaking ito!Naiinis ako sa mukha nya!Sarap sapakin pero kailangan ko magtimpi dahil kapag ikaw daw ang naunang pumatol,talo ka daw.Hindi ko hahayaan na matalo ako sakanya kaya kung nakikipaglokohan sya saakin makikipaglokohan din ako sakanya.



"Tutulungan kita"Maikli nitong sambit.



"Ako tutulungan mo?Saan naman?"



"Tutulungan kitang labanan ang grupo nila Valeria"Ano daw?!











-----to be continued-----

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon