Chapter 17

1.8K 64 0
                                    

Vince POV

Maraming napapatingin saakin mula sa pag-alis ko doon sa opisina ni Kiana.Sya na pala ang bagong namumuno dito.Nabalitaan ko din ang ginawa ni Chase sa mag-ina nya.Akala ko ba mahal nya si Kiana at ang anak nya?Bakit bigla-bigla nalang nya itong iiwan ng ganun-ganon lang?Anong pumasok sa kukote ni Chase at bakit iniwan nya ang ipinaglalaban nya pa noon at asawa na nya ngayon?Umalis lang ako ng ilang taon ganito na pala ng mga nangyayari dito sa kaharian na ito.

"Vince?"Napalingon naman ako sa pinagmulan ng boses lalaki na tinawag ako.

"Ohh Kaizer!"Bati ko dito ng malaman ko na sya ang tumawag saakin.Lumapit naman ito saakin at tinap ang balikat ko.

"Teka tagal mo daw nawala ahh..."Sambit nito saakin.

"Parang hindi ka din umalis ahh"Napatawa lang kaming dalawa.Totoo naman kasi umalis din naman sya.

"Ako kasi yung humawak sa isang company doon kaya kinailangan kong umalis ng kaharian para bantayan ang company"Nakangiti nyang sabi saakin.Kaya naman pala sya umalis.

"Ako naman,umalis ko dahil ayoko na munang makasagabal noon sa pag-iibigan nila Kiana at Chase kaya nagparaya na ako"Kumunot naman ang noo nito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Kaya naman pala"Maikli nitong sambit.Hindi ko alam kung dapat ko pa ba sabihin ang buong istorya ng pag-alis ko dito sa kaharian pero siguro sapat naman na ang sinabi kong impormasyon at hindi na dapat nya malaman ang iba pa.

"Saan ang punta mo ngayon?"

"Hahanap muna ako ng impormasyon kung paano natin matatalo ang grupo ni Valeria"Nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Seryoso ka?Ibigsabihin kampi ka saamin?"Tumango lang ako.

"Salamat Vince!Kailangan din namin ng tauhan dahil paunti na ng paunti ang mga tauhan namin dito at nauubos nadin ang mga malalakas na bampira"Napangiti lang ako.

"Sige mauuna na ako"Tinap lang nya ang aking balikat at nagsimula na din syang maglakad at syempre umalis na din ako.

Sisimulan ko na ang misyon ko.Kailangan ko makahanap ng mga impormasyon.Sana hindi maging mahirap saakin ang gagawin ko pero alam ko naman na magiging mahirap ito saakin,gulo ko 'no.

Kiana POV

Ano naman ang naisipan nya at bakit nya kami tutulungan?Dapat umalis na sya dito at lumayo layo dahil sa mga kaguluhan na nangyayari pero nagpapasalamat parin ako dahil kailangan namin sya dito.

"Mahal na reyna"Naatingin ako sa tumawag saakin at isa itong kawal.

"Anong kailangan mo?"Nanatili padin ang tingin ko sa aking papel habang sinasabi iyon.

"May mga nakuha po kaming mga bampira na naglalakbay lamang sa kung saan-saan at pumayag po sila na maging kagrupo natin at labanan ang ibang grupo"Napatingin naman ko sakanya.

"Ilan ang mga nakuha nyo?"

"Isang daan palang po ang nakuha namin mula po sila sa isang bundok na malapit dito sa kaharian.Wag po kayong mag-alala maghahanap pa po kami ng ibang tauhan"Tumango lang ako at sinenyasan ko na syang umalis na.

Biglang pumasok sa aking isipan na kung si Chase ang namamahala dito ngayon siguro magiging malakas ang grupo namin dahil sya ang pinakamalakas na pinuno ng mga bampira pero isang imahinasyon lang iyon dahil hindi na sya babalik dito.

"Mommy"Tumingin naman ako sa anak ko na papalapit sa kinauupuan ko.Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.Bakit kaya?

"Bakit anak?"Sambit ko habang hinahalikan ang ulo nya.

"Mommy,miss na miss ko na po si daddy."Daddy nanaman?Hindi ba nya kayang makalimutan ang daddy nya na nang-iwan saaming dalawa?

"Kalimutan mo na yun.Wala dito si Daddy mo"Hinarap ko naman ang mukha ng anak ko saakin at nakita ko itong umiiyak.

"Wag ka mag-alala kahit wala si daddy nandito naman ako ahh"Pinipilit kong ngumiti para naman ngumiti din ang anak ko.

"Pero m-mommy....kapag n-nakikita ko po yung mga k-kalaro ko na b-binabantayan ng mga daddy nila naiingit po ako"Sambit ng anak ko habang umiiyak pa.Pinunasan ko ang mga luha nya at pinapatahan sa iyak.

"Ako nalang ang magiging daddy mo muna"Parehas kaming napatingin ng aking anak sa nagsasalita at laking gulat ko na si Vince iyon na nakatayo malapit sa pintuan ng aking opisina.Akala ko ba nakaalis na sya kanina,bakit nandito pa yan?At hindi sya kilala ng anak ko kaya bakit nya ginagawa ang mga ito at baka mamaya kung ano pa isipin ng anak ko at sabihin nya na may iba na akong karelasyon.No way!

"Mommy....sino po sya?"Napatingin ako sa anak ko na nagtanong.Naku ito na nga ba ang kinakatakot ko ehh baka pag-isipan ako ng anak ko na may jowa ako!

------to be continued-----

Don't forget to vote.....at wag nyo din sana kalimutan na ifollow ako.

Comment or message me nalang kung may mga gusto kayong sabihin or request to me!

Thank you readers!Mwah Mwah!hehehehehe

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon