Chapter 9

1.8K 46 0
                                    

Kiana POV

"Kiana,may balita na ako kay Chase"Tumatakbong sambit ni Jess.Dali-dali naman akong pumunta kay Jess.

"Anong balita?Alam mo na ba kung nasaan sya?Okay lang ba sya?Gusto kong puntahan sya..."Napansin ko na naman na umiling si Jess.Anong meron?Anong nangyari sakanya?

"Hindi natin sya pwedeng puntahan"Nagtaka ako kung bakit hindi namin sya pwedeng puntahan.Teka asawa ako ni Chase at hindi pa naman kami naghihiwalay kaya bakit hindi ko sya pwedeng puntahan?

"Bakit naman?"Nagtataka kong sambit.

"Basta hindi pwede"Umiwas sya ng tingin saakin.Bakit parang may hindi sya sinasabi saakin?Ano ba talaga ang problema?

"Sabihin mo saakin ang nangyari kay Chase"Pagamamakaawa ko.Pinipilit ko na hindi tumulo ang mga nagbabadyang luha ko.Gusto kong isipin na ayos lang si Chase at nakauwi na sya ng maayos sa bahay perk bakit ganun may naiisip akong iba.....

"Hindi nga pwede"Akmang aalis na si Jess ng hablutin ko ang kamay nya at lumuhod ako sakanya.Wala na akong pake kung may makakita saamin na ibang bampira basta malaman ko lang kung nasaan si Chase.


"Kasama nya si......"Nahahalata ko sakanya na nagdadalawang isip sya nasabihin saakin.Tumango nalang ako para ituloy nya pa ang sasabihin nya.


"Kasama nya si V-Valeria"Napanganga ako sa nalaman kong impormasyon.Bakit?Paano?Hindi na ba ako mahal ni Chase?Bakit ganun kadali sakanya na kalimutan ako,nakalimutan na ba nya na may anak kaming dalawa at kailangan sya ng anak namin dito.Tumayo ako at tinignan ng mabuti si Jess nagbabakasakali ako na baka niloloko lang ako ni Jess pero bakas sa mukha nya na seryoso sya sa sinabi nya kanina.


"T-totoo ba?"Nagbabadya na ang mga luha ko na bumagsak.Gusto ko itong pigilan pero hindi ko kayang pigilan dahil sobra na ang sakit na nararamdaman ko.Sobra-sobra na ang lahat!

"Oo."Maikli nitong sambit at niyakap nya ako ng mahigpit.Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata at hindi ko na din mapigilan na mapahagulgol.Hindi ko maisip na gagawin saakin yon ni Chase.Alam kong hindi sya basta basta na makikisama kay Valeria dahil may sama sya ng loob dito dahil sa panloloko nito sakanya pero hindi ko maisip na paano nangyari iyon.


"Paano mo nalaman?"Humiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa at hinarap sya.

"Nakita ko sila na magkasama na nagpunta sa company ng asawa mo.Papunta din kasi ako doon dahil pinapunta ako ni Kaizer at sakto naman na naabutan ko sila na papunta doon.Hindi ko nakausap si Chase dahil nakapasok na agad sila at hindi ko na alam kung saan sila papuntang dalawa.Nakakawit pa nga ang kamay ni Valeria sakanya kaya doon ako naghinala"

Ayaw na ba saakin ni Chase at bakit sinasaktan na nya ako at niloloko na nya ako.Akala ko ba mahal nya ako pero buong akala lang pala iyon.
Matagala na ba nya akong niloloko??Matagal na ba silang may komunikasyon ni Valeria mula nung naging kami at kinasal kaming dalawa.Akala ko ba galit sya kay Valeria pero bakit magkasama silang dalawa at mula sa sinabi ni Jess parang may tinatago silang relasyon na ayaw nilang malaman namin.

May anak kaming dalawa ni Chase.Kailangan ng ama ni Mark.Bata pa ang anak namin at ayaw ko na lumaki syang hiwalay ang pamilya.Gusto ko syang mapalaki ng buo ang aming pamilya at masaya kaming lahat.Paano ko sasabihin kay Mark na ang daddy nya ay may ibang babae?


May sinabi saakin si Chase na magiging mabuti syang asawa at ama pero nasaan na ang pangakong iyon?Naglaho nalang na parang bula.....



-------to be continued-------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon