Chapter 1

4.6K 74 0
                                    

Kiana POV

Apat na taon na ang nakalipas simula nung kinasal kami ni Chase.Minsan nalang kami nagkikita o kaya nagkakasama ng buo.Hindi ko nga alam kung ano dapat ang mararamdaman ko kapag wala sya dito sa kaharian.Lagi kasi syang umaalis dito sa kaharian para sa business dahil marami daw ang dapat asikasuhin doon.

"Kiana,tama na yang pagmumukmok mo lagi ka nalang kasing ganyan simula nung laging wala dito si Chase"Hinahagod nya ang likod ko para pakalmahin ako.Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko dahil isang Linggo nang hindi umuuwi si Chase at tinatanong ko lagi ang sekretarya nya kung nasaan ito pero puro nalang kibit balikat ang sinasagot nya saakin.

"Hindi ko na alam Jess kung ano ang nangyayari saakin.Sino ba kasi ang hindi magmumukmok ng ganito kapag hindi umuwi ang asawa mo ng isang Linggo?"Napansin kong huminga sya ng malalim bago ulit ako harapin.

"Malay mo baka busy or kailangan na talaga nyang gawin yung mga naiwanan nyang papers"Lagi nalang ba ganyan.Lagi nalang ba syang busy??

"Kahit na.....ikaw ba kung lalaki ka at kapag may asawa at anak kana at busy ka sa trabaho ano ang uunahin mo,ang pamilya mo o ang trabaho mo?"Nakita ko naman syang tumingin sa taas na para bang nag-iisip.

Pagkaharap nya saakin."Alam mo dipende naman iyon sa tao ehh.Pero kapag ako ang nasa posisyon nya mahihirapan din akong pumili pero pipiliin ko talaga ang pamilya kesa ang trabaho dahil masmahalaga ang pamilya dahil sila ang nagpapasaya sayo.Kaso nga lang hindi ako sya kaya hindi mo malalaman kung ano nga ba ang pinili nya"Tumango lang ako ng tumango.

"Pero bakit parang ramdam ko na may tinatago sya saakin??"

"Ano naman yun?"Kunot noo nitong tanong

"Hindi ko alam ehh pero gusto ko malaman para naman hindi ako magmukhang tanga dito sa kakahintay sakanya at ayun pala may ginagawa na syang kagaguhan sa labas nitong kaharian"

"Ayy korek ka dyan girl.Dapat kapag uuwi ang halimaw mong asawa dapat tanungin mo sya ng tanungin at kapag nagalit sya bigla kahit nakakailang tanong ka palang ibig sabihin nun ayaw nyang pag-usapan ang mga ganung bagay at doon kana maghinala.Kasi kapag mahal ka ng tao agad-agad kang mag-eexplain sakanya pero kapag hindi sya nag-explain at nagalit pa sya sayo ibig sabihin nun may tinatago nga sya sayk na ayaw nyang malaman mo"Napaisip ako sa suwestyon ni Jess.Tama sya,kailangan kong hulihin si Chase kung may tinatago ba syang kagaguhan saakin.

"Tulungan mo ako Jess"Nanlaki naman ang mata neto pero agad naman na ngumiti.

"Ofcourse naman.Kung gusto mo sabihin ko pa sa mga ibang kaibigan natin yung gagawin para naman hindi lang tayo ang gagawa ng plano kung paano hulihin yang halimaw mong asawa"Tumango nalang ako sakanya.

"Pero sabihin mo secret lang dahil baka malaman ng lahat at masira pa ang plano natin"

"Wag ka mag-alala ako na ng bahala dun.Oh sige na bumalik kana sa kwarto nyo baka hinahanap kana ng anak mo doon"Natawa naman ako sakanya at nagpaalam na bago ako tumungo sa kwarto.

Pagkadating ko doon naabutan ko ang anak ko na naglalaro sa Ipad mini na binili para sakanya ni Chase.Umupo ako sa tabi ng anak ko at napansin naman nya ako agad kaya tinigil na muna nya ang paglalaro nito at nilagay sa tabi nya.

"Mommy,hindi pa po ba uuwi si daddy??Miss ko na po kasi sya ehh"Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa anak ko.Siguro kapag sinabi ko lahat hindi nya agad maiintindihan dahil apat na taong gulang palang sya at parang baby parin sya kung ituring ko.

"Busy si daddy ehh pero sabi naman nya uuwi sya pagkatapos nyang gawin ang mga dapat gawin doon aa office nya kaya don't worry na dahil uuwi din si daddy"Nginitian ko lang sya para hindi na syang magtanong muli tungkol sa daddy nya na hindi ko talaga alam kung nasaan.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsisinungaling sa anak ko,palagi nalang kasi akong nagsisinungaling kay Mark,hindi ko kasi pwedeng sabihin sakanya dahil baka magalit sya sa daddy nya at lumayo ang loob nya kay Chase at isa pa baka isipin nya na hindi na kami mahal ng daddy nya.

"Sleep kana baby dahil 9:00pm na ohh at ayaw ni daddy mo na nagpupuyat ka diba?"Tumango sya.

"Okay mommy pero dito nalang po ako matulog sa tabi nyo ako nalang po ang kasama nyo pagtulog dahil wala pa naman mo si daddy"Hay......buti nandyan lagi ang anak ko para pasayahin ako ng lubos kapag wala ng daddy nya.

"Okay baby,pero matulog kana dahil magshoshower pa si mommy"Tumango naman ito at hinalikan ako sa pisngi at saka sya humiga na.

Nagpunta na muna ako sa bath room para magbabad na muna sa bathtub.Pagkatapos kong maglagay ng tubig ay maglagay ng sabon para magbubbles,nagbabad na ako.Lagi nalang akong stress dahil sa kakahintay at kakaisip kay Chase ko nasaan na ba sya at bakit hindi pa sya umuuwi ngayon.

Alam kong galit padin sya dahil sa nangyari 4 years ago.Nakunan kasi ako at one month palang ang baby na yun sa sinapupunan ko.Nakunan ako dahil may mga sumalakay dito sa kaharian na maraming tao at lahat sila ay may mga dalang mga baril,kutsilyo at apoy.Iniwan ako at si Mark ni Chase sa kwarto namin para hindi daw kami mapahamak sa pananalakay ng mga tao.Matagal akong naghintay sa kwarto namin at sobra na ang kaba ko dahil hindi pa bumabalik si Chase kaya nagpasya ako na lumabas ng kwarto at iniwanan ko si Mark sa kwarto para hindi sya madamay sa kaguluhan.Pagkalabas ko ng kwarto sakto naman na may mga tao na nakaakyat at nung nakita nila ako ay agad nila akong binaril pero buti nalang sa braso iyon tumama.Lumaban ako sakanila hanggang sa kaunti nalang ang mga kalaban ko at unti unti na silang naubos pero nagkakamali ako dahil may isa pa palang lalaki ang gustong barilin ako,iiwasan ko na sana ang sya pero agad nyang pinutok ang baril at natamaan ang tyan ko.Hindi ko agad natanggap ang nangyaring yun at maslalo na si Chase dahil pangarap nya talaga na magkaanak ulit kami pero dahil sa pagsuway ko sakanya namatay ang baby sa sinapupunan ko.Galit na galit saakin si Chase dahil bakit ko daw sinuway ang bilin nya saakin na dapat doon lang kami sa kwarto namin para hindi kami madamay sa kaguluhan na nangyari.Labis nya itong ikinagalit at ikinalungkot.Kaya alam ko ang dahilan kung bakot hindi sya umuuwi pero may bumabagabag parin talaga sa isipan ko na baka niloloko na ako ni Chase at naghahanap na sya ng bagong asawa at itatakwil nalang nya ako ng ganun ganun lang.

Sorry,sorry Chase dahil hindi kita pinakinggan kaya namatay ang baby natin at nagalit ka saakin pero sana naman wag mo na akong pahirapan at sana naman bumalik kana dito dahil miss na miss nakita at ng anak mo..........

-------to be continued--------

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon