Chase POV
"Teka bakit ako nandito?!"Bakit ako nandito sa isang madilim at mabahong lugar.Kanina kasama ko lang si Kaizer sa bahay ko pero bakit ngayon nandito na ako?
"May tao ba dyan?!"Hindi ko alam kung may nakakarinig pa ba saakin pero sigurado ako na may tao dito dahil hindi naman pwede na hinuli nila ako tapos walang magbabantay saakin?
"Sumagot kayo!"May balak ba silang magpakita saakin bakit ganun wala manlang akong makitang kahit na anino nila.
"Bakit ayaw nyo magpakita saakin?Mga panget ba kayo?"Napagpasyahan ko na insultuhin na sila para lumabas sila kung saan man nakatago ang mga yun.
May isang lalaki ang tumalon sa harapan ko.Hindi ko ito kilala pero may kutob ako na kalahi ko ang isang iyon.Isa syang bampira na tulad ko din.
"Anong kailangan nyo saakin?Hindi nyo ba ako kilala?!"Sigaw na sambit ko.Baka kasi nakakalimutan nila na hari ako ng lahat ng bampira.
"Kilala ka namin syempre mahal na hari.Pero sa ngayon may kailangan lang kaming gawin sayo"Pagkatapos nyang sabihin yon lumingon sya sa ibang direksyon at sa direksyon naman na iyon nandoon ang ibang mga bampira.
"Ano naman ang kailangan nyo?"Ngumisi yung lalaki saakin.Ano ba talaga ng kailangan nila saakin at sino ang may pakana nito?
May naaaninag akong isang babae na nakahood.Hindi ko agad makita ang kanyang mukha dahil nakayuko sya at madili dilim ang lugar kung saan nila ako dinala.Palapit ng palapit ang babae saakin kaya malapit ko narin syang makilala.
"Hi Chase.Long time no see"Nagulat ako nung binaba na nung babae ang kanyang hood.Sya,sya ang taong pinagkatiwalaan ko noon at sya ngayon ang may pakana ng lahat ng ito.Hindi ako makapaniwala,akala ko wala na sya pero nagbabalik sya.
"Paano ka nakawala?"Nginisihan nya lang ako at nagulat ako ng bigla syang umupo sa lap ko.Hindi ako makagalaw para palayasin itong babaeng nakaupo sa lap ko.
"Hulaan mo....."Sambit nito gamit ang malanding boses.Teka pinagloloko ba ako ng isang 'to.
"Hindi ako nandito para makipaglokohan sayo"Seryoso kong sambit.
"Sorry ahh kung hindi kita papaalisin agad.I need you pa ehh"Nanlaki naman ang mata ko nang bigla nyang tanggalin ang botones ng polo ko at unti unti iyong tinanggal hanggang sa naka puting v neck t shirt nalang ako.
"Tanggalin nyo na ang tali sakanya at iwan nyo na kami ditong dalawa dahil may gagawin kaming maganda"Nginisihan naman nya ako.May lumapit naman saakin na isang lalaki at tinanggal ang pagkakatali ko.
"Akin kana ngayon"Natatawa nitong sambit.Nagulat naman ako ng bigla nya akong kagatin sa leeg at may sinaksak sya saakin.Ang huling naalala ko nalang ay nakayakap na ako sakanya at ngumingiti hanggang sa nawala na ako sa sarili at hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa ko.
Kiana POV
Tinawagan ako ni Kaizer at sinabi nya saakin na bigla nalang daw nawala si Chase sa bahay at hindi daw nya alam kung nasaan ito.Hindi na ako mapakali dahil baka mamaya may nangyari na sakanyang masama,paano na ako mag-eexplain kay Mark,paano ko ieexplain na nawawala ang daddy nya.Kahit galit na galit ako kay Chase dahil sa ginawa nyang panloloko saakin,hindi parin naiiba na asawa ko sya at mahal ko parin sya.
"Kiana,tama na ang pag-iyak.Wag ka mag-alala kanina palang naman nawawala si Chase ehh siguro bukas uuwi din sya"Hindi ko kayang hindi maiyak sa pagkawala nya.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko narin na bumibigat na ang talukap ng aking mata at hanggang sa mabalot na ako ng antok...
Chase,sana naman bukas bumalik kana sa bahay nyo kahit hindi dito sa kaharian basta bumalik ka lang.Wag mo na sana kaming pag-alalahaning lahat.....
---------to be continued-----------
![](https://img.wattpad.com/cover/130405963-288-k133903.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2
VampireRank #51 (April 17,2020) Ito ang ikalawang yugto ng pagmamahalan nila Chase at Kiana. Maraming pagsubok na mangyayari na susubukin ang pagmamahalan nila. Hindi pa huli ang lahat at may isang pangyayari pa ang susubok sakanilang dalawa. Magiging sila...