Chapter 18

1.7K 50 0
                                    

Chase POV

"Hon,gising na"Nagising ako sa isang tawag ng babae.

Nakangiti akong nagising at ganun din naman sya.Isang panibagong araw nanaman.


Nung nakaraang taon lang kami kinasal ni Valeria.Dito sa tirahan namin ginanap ang aming kasal.Sobrang saya ko at gayon din naman sya.

Kasalukuyan kaming nangangarap na mabiyayaan ng isang anak.Matagal na namin itong pinapangarap at matagal na din namin itong pinagsisikapan na mabuo.

"Hon,bakit ganun hindi parin ako nakakaramdan ng kahit anong pagsusuka at pagkahilo?"Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya.Ayaw ko naman sabihin na baka hindi lang nagpapahiwatig ng kahit anong senyas ang baby pero ayaw ko naman syang umasa.

"Wag ka mag-alala"Ayon lang ang sinabi ko sakanya at hinalikan ko ang kanyang noo.

Sana maging totoo na ang hinihiling namin para naman hindi na malungkot si Valeria at hindi nya isipin na hindi kami magkakaanak.


Kiana POV

"Daddy!"Kasalukuyan kong tinitignan ang anak ko na nakikipaglaro kay Vince.Pumayag ang anak ko na si Vince muna ng kanyang magiging ama habang wala ang tunay nyang ama,pumayag narin ako dahil ayos lang naman sa anak ko at mukhang gustong gusto at masaya sya tuwing kasama nya si Vince.

"Be careful"Sambit naman ni Vince.Naghahabulan kasi silang dalawa at ang taya ay si Vince.


Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko ang anak ko na masaya.Kahit hindi nya tunay na ama ang kasama nya lagi masaya parin sya.Minsan nga sinasabi nya saakin na sana si Vince nalang daw ang daddy nya dahil sobrang saya daw nila kapag naglalaro hindi daw katulad nung naglalaro silang dalawa ni Chase palagi daw kasi saglit lang sila naglalaro ng kanyang ama dahil lagi daw itong busy sa trabaho at minsan nalang sila naglalarong dalawa,pero ngayon daw kapag kasama daw nya ang kanyang new daddy lagi daw syang masaya dahil lagi daw nya itong nakakalaro at hindi sya iniiwan nito hangga sa pagtulog nya.

"Mark,pahinga muna kayo ng daddy mo dahil pawis na pawis na kayo"Napatingin naman saakin si Mark at si Vince.Lumapit sila sa kinauupuan ko na bench at tumabi saakin.Para tuloy kaming pamilya.

"Mommy,daddy,pasyal po tayo sa labas ng kaharian.Gusto ko po kasi makita ang mga nagtataasan at naglalakihang mga building sa mga city."Nagtinginan naman kami ni Vince.

"Tanungin natin ang mommy mo kung papayagan nya tayong umalis na tatlo"Tinignan ko naman si Vince ng makahulugan.Bakit parang bumilis yata bigla ang tibok ng puso ko.

"Mommy,pleaseeeeee,kasama naman po kayo ehh"Tumingin naman ako sa anak ko na nagpupuppy eyes saakin.


"Titignan ko anak dahil maraming work si mommy"Lumungkot naman ang mukha ng anak ko pagkatapos ko sabihin iyon.Napatingin naman ako kay Vince at laking gulat ko na pati sya ay nagpuppy eyes din saakin.


"Sige ganito gagawin ko na ang work ko ngayon para bukas.Pero bago ako pumunta sa opisinan ko kailangan magpalit ka na dahil ang baho na ng baby koooooo"Kiniliti ko ang anak ko at tawa naman sya ng tawa.

Pinasamahan ko muna sakanya si Vince para tulungan syang magpalit ng damit.Pumunta ako sa opisina ko dahil kailangan ko na tapusin ang mga ginagawa kong pagpirma at pagbabasa ng mga papers para doon sa company.


Haysss kailan ba kasi nagkaroon ng company ang bampira?Bakit sila lang yata ang meron?Dagdag sa trabaho ko tuloy ang ginagawa ko ngayon.Dahil din sa company nagiging busy ako at nawawalan ako minsan ng time para sa anak ko pero buti nandyan si Vince at sya muna ang makakasama ni Mark sa tuwing wala ako sa tabi nya at wala ang g*g* nyang ama.Work again.

------to be continued------

A/N:Maikli lahat ang mga bawat update ko dahil bibitinin ko muna kayo at sa mga ibag update ko nalang ako babawi.

Don't forget to vote and comment if you have any suggestion and reaction.

And specially don't forget to follow me.

Thank you and enjoy this story and wait for mya next update😁



Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon