Chapter 19

1.7K 51 0
                                    

Vince POV

Nandito kami ngayon sa sasakyang tatlo.Papunta kami sa park dahil ayon ang hiling ni Mark.Buti nalang pinagbigyan ni Kiana ang anak nya na lumabas ng kaharian.Siguro naisip nya na boring naman talaga sa kaharian at wala kang masyadong papasyalan doon.

Sa tinagal ko dito sa labas ng kaharian marami na akong nalibot.Hindi ko nalang pinag-aksayahan ng oras ang pag-ibig dahil wala naman akong mapapala doon at hindi pa ako masyadong handa sa pag-ibig na yan.Sasayangin ko nalang ang oras ko sa mga magagandang maidudulot saakin.

"Kiana,thank you"Napatingin naman saakin si Kiana.Siguro hindi nya naintindihan ang gusto kong iparating dahil nakakunot sya ng banggitin ko ito.

"Para saan naman?"

"Para sa pagpayag mo na mamasyal tayong tatlo.Thank you din dahil first time ko na makaramdam ng gantong saya sa buhay ko"Tumingin naman ako sakanya ay nakita ko syang pumula ang kanyang mga pisngi kaya napangiti din ako,buti nalang tumigil kami dahil sa traffic light kaya natitigan ko sya ng matagal.

Pinaandar ko naman na ang sasakyan ng biglang mag-green ang traffic light.

"Mommy,daddy"Tinignan ko naman sa salamin si Mark.

"Bakit anak?"Sambit ko.Anak at baby o kaya pangalan nya ang tinatawag ko sakanya dahil gusto ko kasi na maramdaman nya na para narin akong tunay nyang ama.

"Nagugutom na po ako"Napatawa naman kami ng sabay ni Kiana sa sinabi ni Mark.

"Hindi pa tayo masyadong nakakatagal dito sa sasakyan gutom kana agad?"Natatawang sambit ni Kiana sa kanyang anak.

"Pero mommy nagwawala na po ang mga monsters sa tyan ko ehh.I need to eat na dahil baka kainin ako ng mga monster sa tyan ko"Nagtinginan naman kaming dalawa ni Kiana at sabay din kaming ngumiti sa isa't isa.Siguro time narin para kumain kami kahit saglit palang ang tinatagal namin dito sa sasakyan.

"Saan mo gustong kumain,baby?"Rinig ko namang tanong ni Kiana sa kanyang anak.Tumingin naman ako sa salamin at nakita ko si Mark na nakatingin si taas at nakalagay ang index finger nya sa baba nya at mukhang seryosong nag-iisip kung saan kami kakain.Naisip ko rin bigla na hindi pala masyadong kumakain ng pagkain ng tao si Mark hindi tulad namin nila Kiana dahil dati syang tao at ako naman ay tumira na dito ng matagal kaya nasanay na ako sa mga pagkain na luto ng mga tao pero si Mark ang iniisip ko baka kasi kailangan pa namin pumatay ng hayop o tao para lang may makain sya pero alam ko naman na hindi nya gusto ang pagpatay ng mga tao pero ang hayop pwede na yun.

Kiana POV

Tumingin ang anak ko sa paligid nya upang makahanap ng kakainan.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil hindi naman sya sanay sa mga luto ng mga tao at ang mga pagkain dito dahil ang mga kinakain ng anak ko ay ang hilaw na karne ng mga hayop at ang iniinom naman nya ay ang dugo ng hayop dahil masgugustuhin na daw nya kahit pangit ang lasa ng dugo ng hayop at hindi daw iyon ang gusto nyang dugo pero pinipili parin nya itong inumin dahil ayaw naman daw nya pumatay ng tao para lang may mainom syang dugo nito at pipiliin na din daw nya na kahit minsan lang sya makainom ng dugo ng mga tao.

"Doon mommy!"Tinignan ko naman ang tinuro nya.Isa itong restaurant na may pangalan na "Grilling House"

"Are you sure Mark you want to eat there?"Tumango naman nito na parang walang pag-aalinlangan.

"Vince,let's go there"Tinuro ko naman kay Vince yung tinuro ni Mark kanina at nagpark kami sa tapat ng restaurant.

Pagkapasok namin ng Grilling House may bumati saamin na guard at natawa naman kami parehas ni Vince ng binati din ni Mark ang guard.Naalala ko ang mga nakaraan ko.Dati normal lang akong tao na namumuhay sa isang mapayapang buhay kasama ang mga kaibigan ko.Kung hindi siguro kami pumunta sa gubat at hindi kami nakulong ng mga kaibigan ko doon,siguro hanggang ngayon payapa parin kaming namumuhay bilang isang normal na tao.

"Kiana anong gusto mo?"Bumalik ako sa reyalidad ng biglang magsalita si Vince.Nakaupo kami ngayon,nasa tapat ko si Vince at nasa tabi ko naman si Mark at nasa table naman namin ang maliit na ihawan at doon kami mag-iihaw ng kakainin namin.

"Seafoods"Tumango tango naman ito at saka lumipat ang mga tingin nya sa anak ko na kasalukuyan na tumitingin sa mga taong kumakain dito sa loob ng restaurant.Siguro nangingilala pa sya sa ngayon.

"I want that"Tinuro naman ng anak ko ang isang malaking karne na hinihiwa doon sa kalapit naming table.Tumango naman si Vince at tinawag na nya ang isang waiter para sabihin ang mga order namin.

"Ayun lang po sir?"Tanong naman ng lalaking waiter.

"Uhmm....yes"Tumango naman ang waiter sakanya.

"5mins sir nandito na po yung mga iihawin nyo"Tumango naman si Vince sa waiter at umalis na ito sa harapan namin at pumunta sa kitchen.

Pagkatapos ng limang minuto sakto naman na dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming ihawin ang mga ito.Habang iniihaw ni Vince ang mga pagkain napatingin ako kay Mark na titig na titig sa iniihaw na mga karne at pusit.

"Wow!"Napapapalakpak ang anak ko habang tinitignan na maluto ang karne at pusit.First time nya kasi makakain ng mga ganito kaya grabe ang reaksyon nya ngayon sa nasasaksihan na pagluluto.

Nung naluto naman na yung karne nilagay agad ni Vince ang tatlong hiwa ng karne sa plato ni Mark at saka ulit sya nagsalang ng tatlo pang karne sa ihawan.Tinigan ko naman ang anak ko na tinusok na agad ang inihaw na karne gamit ang tinidor nya at sinubo nya ng buo ang karne pagkatapos nya ito ihipan.Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya at ganun din si Vince dahil hinihintay namin ang magiging reaksyon nya sa inihaw na karne.

"Hmmmm......sarap ng inihaw na karne mommy and daddy!"Masayang sambit ni Mark saamin.Sabay naman kaming napangiti ni Vince sa reaksyon ni Mark.

Natapos namin ang pagkain namin at bago kami umalis ay nagpatake out na muna kami dahil request ni Mark.

"Sir ito na po yung order nyo na bbq steak"Binayaran na lahat ni Vince ang mga kinain namin at lumabas na kami ng restaurant at pumasok na sa sasakyan.Ako dapat ang magbabayad ng kinain namin pero pinigilan nya ako na magbayad at nagpresinta sya na sya na daw ang magbabayad ng lahat ng mga kinain namin,nahihiya nga ako sakanya dahil sya na ang driver namin at sya pa ang manlilibre saamin sa pagkain pero kahit ganun super thank you sakanya dahil pinapasaya nya ang anak ko at napapasaya nya rin ako sa kabila ng maraming problema sa kaharian na kinakaharap namin ngayon.









------to be continued------

A/N:Hinabaan ko na po ng kaunti ang update ko dito.

Don't forget to vote or comment.......and don't forget din po na ifollow ako.....So yun lang po😁

Thank you readers and wait for my nexy update and enjoy the story!

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon