Chapter 24

1.9K 38 0
                                    

Vince POV




Akala simula nung dumating ako dito at tinulungan ko sya ako na ang mahal nya at hindi na ang gagong Chase na yun pero bakit hanggang ngayon hindi parin nya alam ang sagot sa tanong na iyon at hindi agad sya makasagot.Mahal nya parin ba si Chase sa kabila ng lahat ng pananakit ni Chase sakanya,pero dapat hindi na nya mahal ang lalaking iyon dahil pinagpalit na sya nito sa ibang babae at kitang kita naman ng dalawang mata nya na hindi na sya naaalala ng asawa nya.





Bakit hindi nya ako matutunan na mahalin?





Hindi ba ako gwapo?




Masama ba ako?





Alam kong may asawa sya pero hindi na sya mahal nito peri bakit mahal nya parin ito!





Kahit hindi nya ako sagutin sa tanong ko na iyon alam ko na mahal nya parin ito at hindi pa sya MOVE ON!






Kiana POV




Gabi na pero hindi parin umuuwi sila Jess.Kanina pa ako nag-aalala kaya may mga inutusan na ako na hanapin sila sa labas ng kaharian.






"Vince!"Tinawag ko si Vince gamit ang aking buong lakas.Kanina pa kasi sya umiiwas saakin at nahihirapan na din ako dahil hanggang ngayon wala pa ang anak ko at si Jess at Kaizer.







"Ano ba bakit hindi mo ako pinapansin?Kanina ka pa ganyan saakin.Alam mo na ba kung nasaan si Mark?"Lumingon ito saakin pero ang lamig ng ekspresyon nya.






"Anong nangyari kay Mark?Nasaan sya?"Bigla nalang nag-iba ang kanyang ekspresyon na kanina ay malamig ngayon naman ay nag-aalala na ito.






"Saan ka ba kasi nanggaling at hindi mo alam na hanggang ngayon ay wala parin ang anak ko at ang dalawa kong kaibigan."






"Dyan ka lang at hahanapin ko sila"Saka sya umalis agad.Naiwan naman ako sa opisina ko na mag-isa at kinakabahan.Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko pero ayoko nito dahil iba ang pakiramdam ko na parang may nangyaring masama,ayokong isipin ito dahil hindi ko matatanggap na may mangyaring masama sa anak ko at sa kaibigan ko.






Nasaan na ba kasi kayo at sana mahanap na kayo at sana walang mangyaring masama sainyo.





------to be continued------

A/N:Bitin nanaman po😂

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon