Chapter 11

1.7K 41 0
                                    

Kiana POV


Bakit ganito na ang nangyayari sa kaharian?!Bakit nagkakagulo na ang lahat?!Anong meron?!



"Mahal na reyna,magtago na po kayo sa inyong silid kasama ang prinsipe at kami na po ang bahala"Nakita ko ang pag-aalala ng mga kaibigan ko.Ayaw ko silang mapahamak dahil sila nalang ang kasama ko dito sa kaharian.



"Pero hindi ko kayo hahayaan na mapahamak.Wag na kayo lumaban sigurado akong kaya na yan ng mga ibang bampira"Hinawakan ko ang braso ng isa sakanila para mapigilan ko ang tangka nilang pag-alis.



"Hindi kami maaaring magtago lamang,kailangan din naming lumaban at hindi namin kakayanin na makita ang mga ibang bampira na nahihirapan"Tumango tango nalang ako.Hindi ko na yata sila mapipigilan sa gusto nilang gawin.Pagdadasal ko nalang sila na maging ayos sila pagkatapos ng labanan.



"Mag-ingat kayo.Tandaan nyo na kailangan ko pa kayo dito kaya wag nyo akong iiwanan"Nag-group hug na muna kami at saka sila umalis ng aking silid.



Tinignan ko ang aking anak na natutulog ng mahimbing.Napangiti ako ng kaunti dahil sa gitna ng labanan may isang bata na mahimbing at sarap na sarap sa pagtulog.Gusto ko din na hindi na malaman ni Mark ang nangyayari dito dahil bata pa sya at hindi dapat sya nasasangkot sa mga ganitong nangyayari.Bata pa sya kaya dapat ienjoy nya muna ang kanyang pagkabata dahil mahirap na kapag magsisi sya at matanda na sya.



Naalala ko ang isang beses na may pinakita sya saaking lakas daw nya.Hindi ako nagkakamali dahil namana nya ang lakas ng kanyang ama pero hindi ko muna sya papayagan na lumaban kahit sabi nya ay gusto na nyang lumaban dahil big boy na sya at malakas na daw sya pero para saakin isa pa din syang baby na wala pang kaalam alam sa mundo.



"Mommy..."Natigil ako sa malalim kong iniisip nang biglang narinig ko ang boses ng aking anak na tinatawag ako.



"Bakit baby?"Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ko ang buhok nya.



"Mommy,meron po akong bad dream"Kumunot naman ang noo ko.



"Ano naman iyon baby?"Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Mark at saka sya humarap saakin.



"Mommy,in my dream,I saw daddy hugging and kissing another girl.I'm very hate daddy because he do that and he promise me that he loves me alot and ofcourse you mommy"Sa sinabi ni Mark parang naalala ko si Chase at yung araw na niloko nya ako.



Kahit hindi ko pa masyadong tanggap na may ibang babae na sya pinipilit ko pa din dahil hindi ko naman na mapipilit na saakin pa din sya pero kahit wala sya sa tabi ko mabuti at nandito ang anak ko at sya ang magpapasaya saakin hangga't nasa ibang babae ang kanyang ama.Hindi ko na nga alam kung ano na ang lagay ni Chase ngayon sa babae nya pero sigurado ako na masaya na sya doon dahil kapag hindi sya masaya doon alam kong babalik sya dito pero hindi sya bumalik kaya ang ibigsabihin nun ay masaya na nga sya sa babae nya.



Hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa masasabi na mahal ko pa si Chase pero parang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na magkabalikan ulit kami.


-----to be continued-----

Vampire's Bride:The Dark War (Completed) Part 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon