HER SIDE
Prologue
"Ayusin mo ah, pag sinaktan mo yan, lagot ka sakin!" I warned this -- a foot taller guy than me. Na kung pumapatol lang sa girls eh baka kanina pa ko pisa, dahil ang laki nga niya.
"Oo na oo na!" Sagot niya lang na parang nakukulitan.
Kainis to, siya pa makukulitan? Aba eh kaibigan ko kaya ang nililigawan.
Psh.
Bakit ba ganon, lahat na lang yata may lovelife na.
Eh sa bilyon-bilyong tao sa mundong 'to, parang ako lang yata magisa?
Sa dinami-dami ng mga nakakasalamuha ko, bakit kaya wala pa rin akong kasama?
Hay.
Hanggang kelan ba ko kikiligin sa lovelife ng iba?
Hanggang kelan ba ko magdedaydream na may kadate na artista?
Hanggang kelan ba ko aasa at maghihintay na may darating pa?
"Sa tingin mo ba, may pag-asa ako?" Singit na tanong niya sa thoughts ko.
"Bakit, may bagyo ba bakit sa akin mo tinatanong kung may pagasa ka?" Inirapan niya ko, kainis waley na naman.
"Ayos mo kausap, dyan ka na nga." Iniwan pa ko ng walanghiyang masungit. Kala mo gwapo. Hmp.
Pinanuod ko siya palayo.. papunta sa gusto niya.
For the second time, I sighed.
Sa'kin kaya may magkakagusto pa?
Sa'kin kaya may magtatanong kung may pag-asa ba?
Sa'kin kaya, possible bang mahalin din tulad ng iba?
What if.. plot twist.
What if yung di mo inasahan ang biglang dumating?
What if yung taong di mo naman gusto ang ibigay sayo?
Pano kung di kayo pwede?
Pano kung maging magulo?
Pano kung malabo?
Too many what ifs.
Too many questions.
On.. Her Side of story.
***
AN
Another attempt to write. Okayyy. Hahaha. This story is in collaboration with HindiAkoWriter's His Side. Well siguro gets niyo na yon, POV or side ko to, while in his work, POV naman niya. I hope basahin niyo pareho kung sino mang trip magbasa dyan. Click the external link for HIS SIDE. Hahahaha. Thank you in advanced!
God bless :)