.
.
SIDE 7
.
.
Nalaman na ni Kia yung about sa ginawa ni Skye. Si Ami na mismo ang nagsabi at andun din si Pedro. Kaya ayon, tatlo kaming galit na galit kay Skye. Si Kia naman eh pilit na sinasabing okay lang. Di pa naman din daw niya gusto si Skye kaya okay lang.
.
Pero halata rin sa kanya na kahit papaano nalungkot siya. Sino bang hindi malulungkot kung para kang niloko eh hindi pa nga malinaw kung ano kayo diba?
.
Kainis naman kasi yung si Skye.
.
“Ewan nakakainis talaga. Paasa yun.” Siya pa rin topic namin hanggang sa kakain na lang kami. Etong si Amihan yung talagang pinakagalit since siya yung nakakita. Ako naman eh inis din, pano naman kasi sa ‘kin pa siya humingi ng tulong. I expected him to behave well but it turned out differently.
.
“Nako, sabi ko na nga ba di mapagkakatiwalaan yun eh.” Singit ni Pedro sabay lamon ng pagkaen niya. Andito kami ngayon sa Jollibee. Ako naman eh kakagaling lang sa brain and body draining na exam kaya medyo pagod din.
.
“Wag na kaya natin pagusapan? Baka di lang tayo matunawan ano.” Sabi ko na lang. Si Kia naman eh tahimik lang na kumakaen, sumasagot kapag kinakausap pero halata rin sa kanyang malungkot siya.
.
“Hayaan niyo na kasi, di ko rin naman sineryoso yung mga sinabi nya sa akin eh. Kaya ayos lang.” Nagroll eyes ako. Napakabait naman kasi nitong babaeng to ano.
.
“Ang paasa kaya niya.” Inis na sagot ni Amihan. Napailing na lang ako at tinuloy yung pagkaen ko.
.
Hanggang kinagabihan, nagpaparinigan kami sa facebook. Sayang nga eh. Kahit naman kasi paano natuwa na ko dun kay Skye. Gusto ko naman na talaga siya para kay Kia, napapatawa naman niya si Kia at napapasaya. Pati maayos naman siya kausap kasi kahit ako nakukuha ko rin yung humor niya. Sayang lang talaga.
.
Sumunod na yung mga araw na halos di na namin nakikita si Skye. Nahiya na rin siguro. Pero kinausap kami ni Kia at nagexplain daw sa kanya si Skye. Yung side niya.
.
“Kamusta kayo ni Kia?” Natanong ko minsan sa kanya sa chat.
.
“Magkaibigan na lang kami.” Sagot ni Skye.
.
Saglit lang din kami nagkausap tapos wala na. Ilang weeks na rin pero di na namin siya nakikita. Nagquit nga rin daw siya sa TomCat eh. Sayang. Magaling pa naman un pati ideas niya.
.
“Uy B, diba friend mo yun?” Nagmilktea kami ni Faith ngayon pano nagkecrave daw siya. Napadaan sa labas sila Skye – yung tinutukoy niyang friend ko daw.
.
“Oo yata,” Yata kasi di ako sure kung friends pa kami, “Bakit?” Tanong ko.
.
“Ba’t di na kayo naguusap?” Nawala na sa paningin namin yung group nila Skye kaya tinignan ko si Faith, “Gwapo din yun ah. Pati ung friends niya. Hihi”.