Side 11

745 39 8
                                    

.

.

SIDE 11

.

.

“Di bale, sakin ka na lang magkagusto. Maaalis pagkabitter mo sa sobrang sweet ko.” Langya talagang pati ako nililinyahan na nating si Skye eh.

.

“Heh! Sabi ko na nga ba crush mo na ko. Nako wag ka na langit, basted ka sakin!” Natatawa kong sabi sa kanya.

.

“Wuuuh kunware ka pa. Wag mo baligtarin, apoy. Alam ko namang irresistible ako eh!” Naparolleyes na lang ako. Nakalimutan ko yung pagkabadtrip ko kay Pedro dahil dito kay Skye. Well atleast may magandang naidulot yung pakikipagusap sa kanya kahit na puro kami asaran lang.

.

Lumipas din naman yung mga araw at ganun pa rin, ang medyo iba lang ngayon eh nabawasan na nga ng tuluyan yung paguusap at pagkikita namin ni Pedro. Di na rin ako nabother since talagang di na ko nagagawi sa TomCat ngayon.

.

Nagpaalam ako kay Alex na magquit pero sabi niya lielow lang daw, baka kailanganin pa rin daw kasi niya ang PR powers ko sa mga sponsors if ever. Alam din naman niyang di biro maging med student kasi naman ni dumaan nga sa tambayan ng org halos di ko na magawa eh.

.

Puro school-dorm-school-kaininan-dorm ganon. Shempre di pwedeng mawala yung ‘kainan’, buhay ko yun eh!

.

Napabukas ako ng FB minsang maaga akong umuwi. Medyo nasa procrastinator mode ako kaya nagcheck muna ko ng social life ko online. Napansin ko naman yung mga status nila Ami, Kia at Pedro eh laging magkakaconnect. Wala namang parinig or what, pero halatang may sarili na rin silang kwento.

.

“Landian 101 spotted. May sugatang puso dyan. Biglang nagpopup yung msg chat box nitong si Skye. At nang-asar pa ano.

.

“Wow at sa akin mo pa sinabi yan, wag mo kong idamay sa nawawasak mong puso Skye ha.” Hindi naman kasi ako affected kung laging magkausap si Kia at Pedro or Ami at Pedro noh. Walang kaso sakin yun.

.

Oo siguro napapaisip din na sana di nagbago kaso imposibleng hindi magbago, lalo na parang nilalayo ko mismo loob ko kay Pedro dahil ayokong magamit lang.

.

“Hay nako Sapphire, basta ako nakakapagmove-on na.”  Halata rin dito kay Skye na nakakamove on na nga siya. Pag din kasi nagiging topic namin si Kia, parang bored na siya ganon? Eh samantalang pag si Pedro, mabanggit lang pangalan ng ex niya parang nagfaflashback din utak non. Oops, di ko sila kinukumpara.

.

“Oo at mukhang ako yung ginagamit mong instrument dyan sa pagmumove-n mo, nako tigilan mo ko. Kung nasasaktan ka talaga sa landian moments nila, you can spill it to me.” Natatawa kong sabi sa kanya. Isa sa mga nadagdag sa friendship namin nitong si Skye or rather hindi na nawala, eh yung kalokohan naming asarin ang isa’t isa sa sarili din.

.

Tipong aasarin niya kong gusto ko na siya, or siya na aasaring kong naiinlove na sa akin.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon