.
.
SIDE 6
.
.
Di ko na lang pinansin at dumirecho na kami nila Igi. Hinatid nila ko pareho ni Kiko. Kagandahan lang ng may barkada ka talagang lalake eh, di ka pinapabayaan ano.
.
“Dito na ko, oy direcho na uwi ah!” Bilin ko sa dalawa pagdating sa tapat ng dorm ko.
.
“Opo!” Sabay naman nilang sagot at parang nanay lang ako sa lagay na ‘opo’ ang sagot nila ha. Nagpaalam na rin sila pagkatapos at ako naman eh umakyat na sa kwarto. Nagshower ako agad dahil gusto ko munang umidlip bago ko ituloy yung pagrereview ko na naudlot kanina sa library.
.
Amihan Padilla calling..
.
Saktong pagbalik ko ng kwarto eh tumatawag ‘tong si Ami, “Hello?”
.
“Apoyy! Samahan mo nga ko sa Breeze!” Huh? Anong gagawin nito dun?
.
“Bakit? Himala ikaw pa nag-ayang lumabas sa ‘tin. At bar pa yun ha!” React ko naman habang nagpapatuyo na ng buhok at nag-aayos ng sarili.
.
“Eh kasi, nakita ko si Skye kanina. May mga kasamang lalaki pati babae. Gusto ko lang makasiguro kung loyal ba siya kay Kia.”Ay loka rin ‘to. Isa sa mga ugali kasi nitong si Ami eh icheck lahat ng mga nagiging possible boyfriend ng mga kaibigan namin. Although ka-org namin si Skye, minsan talaga mas pinapaniwalaan ni Ami ang instincts niya.
.
“Hoy Ami, yan na namang instincts mo ha.”
.
“Ehhh! Ayoko lang masaktan si Kia. Alam mo naman yun eh.” One thing na exceptional din dito kay Ami eh sobrang fond niya kay Kia. Well, lahat naman kami ganun eh. Parang baby girl kasi namin si Kia kahit nung HS pa.
.
“Nako Ami, gusto ko mang samahan ka sa ‘Oplan: Background check si Skye Villanueva’ mo eh, di na ko makakasama. May exam pa ko at alam mo namang kelangan ko magsunog ng kilay.” Hindi naman ako nag-a-alibi noh.
.
“Daya!” I can imagine Ami pouting pero talagang di ako sumama. Pati sana kanina pang nadaan ako sa Breeze eh pinuntahan ko na si Skye. Kaso nagpatulong naman yung tao sa akin at mukha naman siyang seryoso kaya siguro naman walang gagawing kagaguhan yon diba?
.
Nagpaalam na rin si Ami at ako naman eh nag-zombie mode na kakaaral lang ng kung ano anong dapat aralin ng isang med student. Naeenjoy ko naman siya, kaso yun nga lang, TMI mashado. Too much info.
.
Nagpause muna ko sa pagrereview at nagdecide na magtimple ng kape at mukhang di muna ko matutulog for tonight. Dibale na, after lunch pa naman yung exam. Kakayanin naman siguro ng powers ko yan. Likas naman din akong nocturnal kaya sana matapos ko ung mga nirereview ko.