SIDE 20
Nakailang “Mahal ko..” Na ako pero hindi pa rin niya ko pinapansin. Isang discovery ‘to. Ang isang napakasweet na lalake, na madalas bumanat.. pag nagselos, sobrang sungit. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o ano dahil di pa rin niya ko pinapansin. Grabe lang.
“Mahal ko..” Okay, siguro kalandian na nga rin ‘tong ginagawa ko. Hinawakan ko siya sa mukha at iniharap sa akin, “Kausapin mo na kasi ako please?” Andito kami ngayon sa Lover’s Lane at nakaupo lang sa bench.
Tinignan niya ko sa mata tapos sabi niya, “I-kiss mo muna ko.” Aba ang harot ng loko.
“Saan mo ba gusto?” Pangiti ko namang tanong.
“Sa lips.” Sabi niya ng seryoso pa rin, at nagsusungit. Para-paraan ho.
“Sige pag tayo na, ikikiss kita ng times infinity sa lips.” Sabi ko ng pang-asar.
“Sapphire naman eh! Ang tagal pa nun!” Reklamo niya na parang batang di nabilhan ng laruan. Nagseryoso naman ako bigla at tinignan siya ng maiigi.
“Ligawan mo muna ko noh!” Sabi ko at inirapan pa siya.
“Tss. Dami daming nanliligaw sayo.” Napasimangot ako sa sinabi niya. Wala naman kayang ibang nanliligaw sa akin. Anong pinagsasabi nito. Hay nako.
“Skye naman eh.” Sabi ko na lang.
“Bakit Skye?!” Reklamo niya ulit kaya nagtaka ako, may nasabi ba kong mali? “Dapat ‘mahal ko’! Mahal ko ang tawag mo sa akin! Ayoko ng Skye!” Seriously? Tinawanan ko siya dahil sa inaakto niya. Para siyang bata.
Pati ba naman sariling pangalan aayawan?
Nagseryoso naman ako at tinitigan siya ng mabuti, “Mahal ko..” Why does it sound so normal for me to call him that way? “Magkaibigan lang kami ni Pedro..” Yun naman ang totoo. Wala lang yung sa amin ni Pedro. Kaibigan ko siya, close siguro. Pero hanggang dun lang.
“Paano akong di magseselos? Masakit sa puso ang makita kang nakangiti sa iba.” Pareho lang tayo, gusto kong isagot pero hinayaan ko muna siya. “Mahal ko, madamot ako.” Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit, “Ang kay Skye, kay Skye lang, oo hindi ka pa rin akin pero diba maglikers na tayo?” Magkatitigan naman kami nun, “Ibig sabihin nun 50%, akin ka na.” Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Siguro hindi pa malinaw sa kanya yung feelings ko, pero malinaw naman siguro na special din siya sa akin.
Nagkulitan at harutan pa kami sa Lover’s Lane, hindi ko alam kung may nakakakita ba sa amin. Pero siguro wala na muna akong pakialam. Masaya akong kasama si Skye. Sa kanya, ramdam ko special ako. Ramdam ko na mahalaga ako ganun.