Side 1

2.5K 59 16
                                    

Side 1

Okay, loaded na naman buong week. May bagong project sa TomCat plus may isang buong chapter pa kong aaralin sa Physio namin. Tapos may quiz pa kami sa biochem. Tapos ugh. Ano ba tong pinasok ko bakit ba ko nagmed!

Inayos ko na lang gamit ko at hinanap ko si Kia. May binigay din kasing project dun, yung TWW at baka kelangan pa nila pagusapan nung si Skye na patay na patay sa kanya. Since ilang days na lang din yun eh. Yung akin naman kasi a month from now pa yung deadline eh.

“Kia! Ano mauna na kami?” Sumingit ako sa usapan nila ni Skye. Aba ang sama ng tingin sa akin. Langya.

“Sige mauna na kayo baka magkita pa kayo ni Peter eh.” Tumango na lang ako at tumalikod na. Tama naman siya magkikita nga kami ni Peter. Pero sa totoo lang pupuntahan ko siya kasi nagpapractice sila sa Teatro ngayon eh may crush ako dun. Nako time ko na para magrelax saglit. Alam niyo naman, pang tanggal stress ang mga gwapo diba?

“Pedro!!!” Malayo pa lang tinawag ko na si Peter. Pedro lang talaga tawag ko sa kanya para mas cute.

“Hoy gwapo kong lalaki, Pedro tawag mo sa akin?!” Salubong niya sa akin at binatukan ako agad.

“Sus wag ka na nga. Kinikilig ka naman pag tinatawag kitang Pedro jan eh! Oh ano, tara na. Excited na ko makita crush ko!!” Hinampas ko pa siya sa sobrang excitement ko.

“Sapphire ah! Sinasama kita kasi gusto ko magdinner kasama ka after, hindi para magharot mamaya sa teatro!”

“Uy ano ba yan Pedro ang obvious namang patay na patay ka sa akin.” Biro ko sa kanya, inakbayan niya lang naman ako at sinakal.

“Patayin kaya kita dyan, Fire?” Fire, short for Sapphire ha.

“Wag naman, di pa ko nasisilayan ng crush ko, maawa ka naman sa kanya di pa nakakakita ng maganda.” Nirelease niya ko sa pagkakasakal tapos pareho lang kaming tawa ng tawa.

“Bwisit ka, pasalamat ka..” Tinignan ko siya at inambangan ng suntok. Reminding him to stop where he’s going. Ayoko ng ganyang tono at topic.

Tumuloy naman kami sa practice nila. Ewan ko dito pangarap yata maging artista kaya nag-teatro. Sabi naman niya gwapo naman daw siya kaya di naman impossible. Pero dahil true friend ako, sabi ko mas gwapo yung crush ko sa kanya ano.

Pinapanuod ko lang naman siya habang bagot na bagot na naghihintay. Sa totoo lang, hindi ko rin alam bakit ko pinapatulan tong si Pedro at sumasama-sama pa ren ako sa kanya.

“Magkasama kayo ni Pedro mo?” Tumunog phone ko at nagtext pala si Kia.

“Hoy anong Pedro ko. Pero oo magkasama kami. Eh kayo ni langit mo?” Si Skye ang tinutukoy ko.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon