.
.
SIDE 9
.
.
Birthday party na ni Alex mamaya sa Space SuperClub. Ewan ko ba ang RK lang ni Alex at talagang nireserve niya yung buong club para lang sa kanyang party. Artista lang ang peg diba? Mamaya pa naman yun kaya andito pa ko sa dorm.
.
Busy ako nagbabasa ng The Catastrophic History of You and Me, engrossed na ko kay Brie at sa kashungahan niya actually tapos biglang nagbeep phone ko.
.
“Sunog, sunduin na lang kita mamaya?” Message pala ni Pedro.
.
“Wag na, may kasabay ako.” Sent to Peter San Pedro.
.
“Sino? Si Skye?” Lately eh naiinis na ko dito kay Pedro. Wala nang bukambibig kundi Skye. Pag may katext ako itatanong agad kung si Skye. Although si Skye naman nga minsan, nakakayamot pa rin.
.
“Hindi.” Yan lang reply ko tapos maya-maya eh nagring na phone ko.
.
“Peter San Pedro calling..” Sinarado ko muna yung librong hawak ko at tinabi. Chineck ko yung oras at may isa’t kalahating oras pa bago ako susunduin ng ibang members ng TomCat. Magkakalapit lang naman kasi karamihan ng dorm kaya carpool na lang diba?
.
“Hello.” Sagot ko sa call.
.
“Fire, kanino ka sasabay?” Pedro sounded serious. At naiinis ako sa tono ng boses niya pero di ko pinapahalata.
.
“Kina Yohan na. Pati sa ibang members. Carpool kami.”
.
“Bakit sa kanila pa kung pwede namang ako sumundo sayo?” Kausap ko siya habang namimili ng susuotin ko. Wala ko sa mood magpakasexy kaya di dress ang hanap ko.
.
“Wala lang, nauna sila nag-aya eh. Talaga to, mashado mo na kong miss! Sila Ami na lang alukin mo or sila Kia!” Sabi ko at nakahanap na ng pants, I opted for blue. Tapos teternuhan ko na lang ng magandang sexy top siguro?
.
“Sasabay na nga sila kaya sumabay ka na rin sa amin.” Pamimilit pa ni Pedro.
.
“Ano ka ba, magkikita pa rin naman tayo dun sa club. Saka nagkausap na kami nila Yohan, ayoko ng last minute changes alam mo yan.” Di ako makaconcentrate sa pamimili ng damit, “Sige na, Pedro. Maliligo pa ko saka mag-aayos eh. See you later na lang?” Sabi ko at nagpapaalam na sa kanya.
.
“Hay sige na nga. Ayusin mo damit mo ah! Ayokong mapaaway don kala mo.” Psh. So protective.
.
“Oo naaa. Ge na, babay na!” I ended the call abruptly. Papalit palit ng pagkuha sa mga top na meron sa cabinet ko dito sa dorm. Hanggang sa nainis na ko kaya tight fitting spaghetti strap red sando na lang, papatungan ko na lang ng blazer mamaya.