.
.
SIDE 15
.
.
Natulog na lang ako magdamag. Naiinis ako sa sarili ko bakit ganito yung pakiramdam. Nagtataka ako bakit nga ba hinahanap hanap ko yung kakulitan ni Skye. Baka naman bored lang kasi ako kaya gusto ko ng kausap.
.
Pero kung kausap lang ang hanap ko eh marami naman dyang available.
.
“Fire! Last gala bukas. Sama ka.” Text ni Phoebe, dati kong kaklase nung HS. Nagmemed din ‘to kaso sa Baguio nga lang.
.
“San? Wala na kong money! :((“ Reply ko.
.
“Baliw, takbo lang daw tayo. Then tambay kina Jhap!” Ay workout ang trip ng mga ‘to ngayon ha. Gusto ko to. Since parang nananaba na ko kakakaen ngayong sembreak.
.
“Game ako sige. San meetup?” Tinext pa ni Phoebe yung details tapos biglang nagtext na si Igi. Sabi niya susunduin daw niya ako pati yung ibang girls. Naks naman ang bespren ko, ang sweet kuno ha.
.
Kaya the next day, nagready na ko ng gamit ko. Siguro kung katext ko lang si Skye baka di ako umalis kasi tatamarin ako. O kaya baka asarin niya kong walang epekto ung magiging takbo kaya wag na ko tumuloy. O kaya – teka nga bakit ko ba iniisip kung ano magiging reaction niya?
.
Napailing na lang ako at tinext ko na si Igi na ready na ko. Ako naman yung last na susunduin kaya petiks pa. Malapit lang den kasi sa bahay yung place kung san kami tatakbo. Sa TRP lang, balita pa nga daw nagtaping dun si Coco nung minsan. Aba malay ko na andito yun! Sayang nga sabi ko eh, di ko nawitness ang pagka-yummy niya!
.
Pagdating namin sa TRP, since literal na may track field don eh talagang nakakapagjogging talaga kami. Ang sexy ko na lalo. Iyayabang ko to kay Skye. Ay teka, ugh di na nga pala kami naguusap non. Hay.
.
“O kamusta naman na kayo nung katext mo?” Tignan mo tong si Igi. Nangiinis, papaalala pa. Pero wala naman siyang alam kaya di ko siya masisisi.
.
“Wala.” One word reply ko.
.
“Wuuuh LQ kayo?” Lahat na lang sinasabi LQ kami. Eh ni hindi nga kami lovers eh!
.
Bwisit okay lang naman na di niya ko kinikibo. Ang akin lang nagtataka ako bakit bigla biglang di na siya nagparamdam. Ugh nakakainis naman Fire eh.
.
“Di kami lovers, pati bakit ba ako napapansin mo dito. Palibhasa single ka eh.” Sabi ko sabay lagok sa coke habang nagpapahinga kaming iba sa may bleachers. Yung iba di pa tapos tumakbo eh.
.
“Mukha ka kayang may lovelife na nung huli tayong nagkasama-sama, Fire. Yung totoo, umamin ka na sa’min!” Biglang singit ni Phoebe.
.
“Grabe naman yan. Magsasabi ako pag meron na noh!”