Side 8

689 36 6
                                    

.

.

SIDE 8

.

.

Ugh nakakainis naman kasi bakit nakatopless ‘to sa harap ko! Ngayon pang namimiss ko si Andrew Garfield my loves at kakatapos lang magswimming ni Daniel Matsunaga sa PBB diba? Malamang naman nacorrupt na utak ko at di na maayos ng reformat lang!

.

Oo na, ako nang korni.

.

Pero at least medyo nawala ng napakaonti yung awkward moment sa aming dalawa. Grabe lang naman kasi sa kasungitan tong taong to!

.

Inirapan ko na lang siya matapos kong ideny na tinignan ko yung abs niya. Sino namang tangang aamin na nagpapantasya ng abs diba? Malamang di ako diba. Maya-maya lang eh nagayos na kami’t umalis na rin.

.

Okay I thought wala ng awkward moment pero eto at pareho na naman kaming tahimik. Ihahatid na daw niya ako at mukhang excited na siya mashadong mawala ako sa paningin niya. Nako tong Skye na to, balik kita dyan sa langit eh!

.

“Durut du durut du du sana siya na yong hinahanap ko..” Grabe reaction niya nung bigla kong nagpatugtog ng songs ni Daniel Padilla. Eh ang ganda kaya ng kantang to!

.

“Sana siya na yong hinahanap ko..
Sana siya na yong pinapangarap ko..
Sana siya na mismo..”

.

“Shh! Tumigil ka ang ingay mo!” Tamo to. Eh hindi kaya ko sanay ng tahimik. Ang sungit talaga parang nagmemens na di mo maintindihan.

.

“Magbati muna tayo?” Siguro makapal na mukha ko pero gusto ko na rin naman makipagayos na sa kanya. Hindi ko rin gustong may kaaway noh. Saka baka tuwing makikita ko siya eh lagi na lang niya ko pinapatay sa utak niya sa sobrang sama niya makatingin.

.

Medyo mahirap pa bago ko naipilit pero salamat sa pagiging FC ko at di rin ako natiis nitong si Skye. Nako, ako pa ba? Hahahaha! Joke lang pero at least kahit papano, tinanggap rin naman ni Skye ang apology ko.

.

­Nakuha pa nga naming maglokohan eh. Natanong ko siya about sa kanila ni Kia pero yun, friends na lang daw sila.

.

“Ligawan mo kaya ulit!” Suggestion ko.

.

“Ayoko nga.” Sabi pa niya habang focused pa rin sa pagdadrive.

.

“Bakit naman?”

.

“Baka magselos ka eh.” Walangya talaga to. Ang kapal ng mukha! Tignan mo nga naman, nakuha pa kong idamay sa kalokohan niya ano. Pero siyempre sakayan lang ng trip yan kaya ayon, natuloy kami sa pag-aasaran lang.

.

Buti nga yun eh, di ako sanay na di ako nangungulit. Lalo na tong si Skye di rin nagpapahuli sa kakulitan.

.

“San dorm mo?” Tanong niya nung malapit na kami sa UST, ihahatid na daw kasi nya ko hanggang dorm.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon