Side 4

891 38 5
                                    

SIDE 4

“Mababaliw na yata ko, be. Jusko nakakahilo, quiz pa lang!” Naglalakad kami palabas ng room at di lang naman si Faith ang reklamo ng reklamo sa klase namin. Dahil kahit ako sumasakit ulo ko sa dami ng sinagutan namin, add the fact that ang tricky ng mga questions!

“Sinabi mo pa, jusko bakit ba ginusto ko maging doctor!” Tuloy tuloy pa rin rant namin sa exam hanggang makalabas ng building. Ugh sobrang stressful pero ginusto ko to kaya kelangan panindigan ano.

“Hoy Fire!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Aba si Skye, aba’ t nagawi dito. Dinaanan na naman siguro si Kia.

“Oh langit, napadpad ka dito?” Tanong ko sa kanya sabay taas kilay pa yan ha.

“Anong napadpad! Sinadya kita noh.” Siniko naman ako ni Faith. Ay andito pa pala ‘to.

“Anjan ka pa pala, te. Si Skye pala, ka-org ko. Skye si Faith, friend at blockmate ko.” Naghandshake naman sila at hinarap den ako uli ni Skye, “O ano ngang kelangan mo?” Sumabay na si Skye sa paglalakad namin ni Faith.

“The usual! Kelangan ko tulong mo noh.” Natawa ako, pang-ilang libre na ba to sa akin ni Skye para lang makakuha ng ideas para kay Kia. Grabe ring seryoso nito eh.

“Baliw ‘to. Di mo naman kelangan magpatulong sa akin eh!” Hinarap ko si Faith, “Hoy bru, san tayo kakaen?” Humikab naman siya at mukhang antok na antok na ren.

“Uuwi na lang ako sa dorm, bru. Sobrang antok ko na eh.” Sabagay anong oras nga naman kami natapos magaral kagabi tapos ngayon dire-direcho pa classes namin. Bumeso siya sa akin at nagpaalam na sa aming dalawa ni Skye.

Okay, medyo di pa ko sanay kasama ‘tong si Skye pero dahil dakilang FC naman talaga ako, kaya eto, dinadaldal ko pa rin siya hanggang sa makarating kami sa Army Navy. Kelan lang sa Jollibee kami kumaen eh. Ngayon tinotoo niya yung Army Navy kaya happy tummy!

“Alam mo kasi Skye, basta seryoso ka naman dyan kay Kia, wala namang problema eh. Mabait naman yun kaya konting effort pa, bibigay din yun sayo. Kakilig kaya kayo noh!” Hinampas ko pa siya shempre kasi nga kinikilig ako.

“Eh bakit siya parang di naman kinikilig?”

“Alangan namang ipahalata niya sayo diba?” Nagrolleyes ako’t kumagat sa burger. Langya, mauubos ko ba ‘to. Alam kong matakaw ako pero masiba na yata yung term ko sa kaen ko ngayon. O sadyang gutom at pagod lang ako sa acads kaya ganito.

“Takaw mo huy.” Sabi ni Skye sabay kagat sa sarili niyang burger, “Bakit ikaw ba pag kinikilig, natatago mo ha?” Tanong niya sa akin sabay taas ng kilay.

“Aba boy, iba naman ako kay Kia.” Natawa siya. Kasi totoo naman, sobrang layo ng personality namin ni Kia. Ang outgoing ko masyado at sobrang madaldal. Di pa ba yun obvious?

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon