.
.
SIDE 18
.
.
Hinatid na ko ni Skye sa building namin after kumaen. Umokay na rin uli yung atmosphere sa aming dalawa. Natatawa na nga lang ako sa kalandian niya, na kinikilig din. Laging may kasamang banat bawat sasabihin niya eh.
.
“Wow, dito yata tayo nadaan?” React niya ng dumaan kami sa gate 11.
.
“Mas malapit kaya dito.” Sabi ko lang.
.
“Mas malapit o gusto mo lang talaga ipaalam sa mga taga-AB na pagmamay-ari mo ako?” Pang-aasar niya. Dito kasi sa building na ‘to sila Kia. Kung ano ano napapansin nito, pero di ko naman talaga sadya na mapadaan dito noh! Kinurot ko tuloy siya. Ang lakas lakas lang mang-asar eh.
.
“Susunduin ba kita o may magsusundo sayo?” Tinignan ko naman siya, alam ko naman yung tinutukoy niya eh. Yung pagsundo sa akin ni Peter kahapon.
.
“Kung ayaw mo kong masundo ng iba, susunduin mo ko.” Hamon ko sa kanya.
.
“Andito na ko bago ka pa madismiss.” Natawa ako don, naks naman ang fighting spirit. Hindi ko sasabihing mahaba hair ko pero talagang nafeel kong special ako dun, knowing ayaw niyang masundo ako uli ni Peter.
.
“Akin ka na ah?” Hindi ko alam kung namumula na ba ko sa mga tanong niya. Walangya talaga, ang lakas magpakilig nito.
.
Alam kong hindi pa kami, pero malandi ba kung gusto ko ring akin lang din siya. Kahit na alam kong nauna si Kia, pero di naman naging sila. “Umm sayo ako kung akin ka lang din.”
.
Parang inulit niya yung sinabi niya kanina, “Sayo lang naman ako. Sayo lang naman to.” Sabay turo sa chest niya uli. Ugh. Kilig overload na naman to.
.
Pero shempre di ko yun pinahalata sa kanya, “Che! Ang landi!”
.
Nagpaalam na rin siya tapos ako naman pumasok na sa building namin. Pangiti-ngiti pa ko habang naglalakad. Hindi pa ko nakakarating sa classroom eh nagvibrate na uli yung phone ko.
.
“Namimiss na kita kaagad. Normal pa ba ‘to?” Hindi ko alam pano ko pipigilan yung ngiti ko na di magmumukhang baliw sa harap ng iba.
.
“Siguro hindi? Namimiss na rin kasi kita eh.” Reply ko at pumasok na ko sa classroom. Tumabi na ko kina Faith habang naghihintay ng prof at ng reply niya.
.
Dumating na yung prof na wala pa ring reply si Skye. Kaya naman tinago ko na muna yung phone ko para makafocus. Ang dami na naman ngang bagong process na pinagaralan. Ang mahirap kasi dito, yung bagong lessons, nakaconnect sa dating lessons. So parami-ng parami at lalong nagiging complicated yung mga discussions. Ugh sakit sa ulo.
.
“Mahal, kasama ko si Kia. Nagpapatulong lang siya para sa vid sa Paskuhan. Dito kami TomCat.” Ang tagal niya magreply tapos hindi ko alam kung good thing ba na nagpaalam siya sa akin o bad news kasi magkasama sila.