.
.
SIDE 5
.
.
Nakakatawa reaction ni Kia nung narinig niyang sinabi kong nagkakagusto na siya kay Skye. Hindi ko naman kasi maintindihan bakit kelangan niya pang pigilan.
.
“Ehhh diba nagkakagusto ka naman na sa kanya?” Tanong ko nung humiwalay kami ng onti kina Skye at Pedro.
.
“Sapphire naman ehhhh.” Parang nahihiyang ewan pa niyang sagot.
.
“Nako, umamin ka na kasi!” Natatawa ko pang sabi. Seriously, ang cute ng reaction niya. Para siyang batang nahuli kung sino crush niya eh.
.
“Sapphire naman, hindi naman seryoso si Skye sa akin eh.” Tinaasan ko naman siya ng kilay.
.
“Eh pano kung seryoso naman talaga siya. Ano ka ba Kia!” Inalog ko pa siya ng konti, “I understand mabilis pero wag mo naman ideny yang feelings mo. Alam ko namang napapakilig at napapasaya ka rin niya eh.” Namula lang siya na kinatawa ko ng malakas. Hay nako ‘tong babaeng ‘to oo.
.
Maya-maya bumalik na rin kami kina Pedro at Skye. Nilapitan ko agad si Pedro at niyakap pa siya pa-side. Okay walang malisya ha. Nagpaalam na rin kami sa kanila ni Skye at Kia at naglakad na palayo.
.
“Sweet mo yata ngayon.” Puna ni Pedro.
.
“Sweet na to sayo? Normal lang ‘to sa akin para sa magkaibigan.” Sagot ko na kinasimangot niya.
.
“Ganito ka sa lahat ng kaibigan mo, Fire?” Tanong niya.
.
“Baliw. Sa lahat naman ganito ako, touchy. Parang di ka pa sanay sa akin.” Inirapan ko siya’t lumayo ako sa kanya.
“Bru, lib kami. Sunod ka na lang dito.” Pagcheck ko ng phone ko ito agad bungad. Sila Faith hinahanap na ko. Maggroup study kasi kami ngayon. Oo nga pala. Hinarap ko si Pedro na masama ang tingin sa akin.
.
“May kikitain ka na naman? Di na tayo nakakabonding, sunog ha.” Nagrolleyes ako. Ang clingy naman nito.
.
“Clingy mo. Maggroup study kami nila Faith. Bakit sasama ka ba? Makikinig ka ba habang nagdidiscuss kami ng DNA blahblah at kung ano anong hormones and such ha?” Tinaasan ko pa siya ng kilay.
.
“Kanina lang ang sweet tapos biglang ang sungit. Mga babae talaga, oo.” Natatawa niyang sagot, “Hindi na po, ayoko makaistorbo ‘tong kagwapuhan ko. Hatid na lang kita don.” Inakbayan niya ko pero lumayo ako sa kanya.
.
“Di ko makita yang sinasabi mong kagwapuhan.” Tumawa siya ng malakas.
.
“Nakakainis ka ng sunog ka ha!” Nagasaran lang kami hanggang sa makarating sa library. Di na siya pumasok at ako naman tumuloy na kina Faith na hindi pa rin naman pala nagstart mag-review.