.
.
SIDE 14
.
.
Sembreak na at bored na bored na ko dito sa bahay. Langya bakit ba kapag may pasok, gusto magbakasyon. Kapag bakasyon naman, nabobore at gusto pumasok.
.
.
“Namimiss mo lang ako eh.” Magkatext na naman kami as usual nitong si Skye. At eto nga sabi ko sa kanya, bored ako. Pero ang lakas lang mang-asar.
.
“Sus, ikaw nga baka mahal mo na ko eh.” Balik pang-asar ko. After nung huli naming pagkikita bago magsembreak eh madalas na kami magasaran. Lalo na yung tinawag niya kong “mahal ko” na halata naman ding joke lang.
.
“Wuuuh kinikilig ka naman eh. Kunwari ka pa, gustong gusto mo namang tinatawag kitang mahal ko.” Napangiti ako at nagpipigil ng tawa, napansin naman ako ng ate kong umuwi rin sa amin kasi nga miss din daw ako.
.
“Oy ninung katext mu ot mamayli ka?!” Translation: sinong katext mo bakit ngumingiti ka?
.
“Wala, secret.” Sabi ko lang sabay reply type ng reply kay Skye, “Wag kang magulo, natatawa tuloy ako dito. Ugh” Tinignan ko si ate na kumakaen at parang nanunuri. Di talaga to naniniwala.
.
“Atin na kang boypren neh?” Translation: may boyfriend ka na noh.
.
Binato ko lang ng unan si ate sabay basa ng reply ni Skye, “Yieeeeeeh napapatawa kita. Iba na yan, Fire. Nako, nagkakagusto ka na talaga sakin!”
.
“Tsk. Deny ka pa, meron naman na talaga. Yang ngiti mo oy, sumbong kita ke mommy!” BInato pabalik ni ate yung unan sa ‘kin sabay lumabas na rin sa kwarto narinig ko pa siyang sumisigaw ng, “Maaaa! Yung anak niyo may boypren na!!!”
.
Etong si Ate kala mo hindi pa magtetrenta kung makaasta. Napakaisip bata ugh. Pero totoo naman kasing napapangiti ako habang katext si Skye. Anong magagawa ko eh nakakatawa naman kasi siyang kausap.
.
Halos araw araw na ganun lang ang routine ko. Puyat kakanuod ng series ng How I Met Your Mother, magfufoodtrip kasama ng family and minsan barkada, madalas online, late nagigising. Pero isa ang di nawawala, si Skye. Lagi ko siyang kausap whatever I do.
.
“Oy Fire ha, wag mo ko mamiss. Saglit lang ako mawawala.” Aba nagpapaalam ang loko. Pumunta daw kasi siyang Bataan with his family, akala mo naman magkasama kami kung makapagsalita ano.
.
Eh magsuswimming lang naman kasi siya.
.
“Psh. Ikaw baka mamiss mo ko. Nako Skye, mas sexy ako kesa sa mga chix jan. Gentleman ang patunay.” Nakwento na kasi niya saken yung about sa Gentleman moment sa bar. Grabe ang tagal bago ko siya napilit umamin. Ayun ang loko, parang naging crush daw ako non. Pero nilinaw niyang dun lang.