SIDE 2
The past few days had been too busy. Gusto ko na ngang bitawan yung TomCat dahil di ko na maisiingit minsan sa pagiging med student ko. Kaso kumbaga, kahit out of line yung TomCat sa career path ko, nagiging stress reliever ko naman siya.
Kaya eto, nakatambay ako sa org room namin at nakikipagkulitan sa ibang members. Ako lang nga yata ang med student na andito. At oonti lang din siguro ung mga science-related courses. Most of the members’ courses are related to arts.
“Te Fire, libre ka naman jan.” Sinamaan ko ng tingin yung bata. Tawagin ba naman akong Ate?! Ang bata ko pa eh. Although senior naman talaga ko sa kanila dito.
“Ayoko nga, mas mayaman ka pa sakin noh! Hayyy. Grabe antok na antok ako. Halos wala pa kong tulog.” Reklamo ko at tumabi kay Amihan na busy nagtutwitter.
“Bakit ka kasi nagmed, alam mong puro aral ginagawa dyan eh.” Sabi niya.
“Gusto ko maging doctor eh.” Sabi ko sabay hikab at nakisilip sa tablet na gamit niya pangtwitter, “Hoy sino naman yang sinostalk mo.” Nakita ko kasi na di naman niya profile yung binubuksan niya.
“Si Skye, ang landi niya tignan mo.” Nilapit pa ni Amihan yung tablet sa pagmumukha ko na para bang di ko mababasa kung hawak niya lang. Langya to.
Tinignan ko naman yung screen, puro tweets ni Skye. Karamihan banat. Pero wala namang particular na nakamention. Pagkakaalam ko rin kasi hindi active si Kia dito sa twitter eh.
“Palagay mo ba, seryoso siya kay Kia?” Napaisip naman ako. Kelan lang kasi kumalat yung video ni Skye sa fb na kinantahan niya si Kia. Ang galing nga niya eh, ganda ng boses. Kinilig nga kami noh. Nakakainggit yung si Kia.
“Siguro naman noh.” Sagot ko na lang. Kahit di rin ako sigurado. Based kasi sa observation ko, likas na malapit si Skye sa mga babae sa org. What more sa block nila or sa ibang environment diba? Pero shempre di rin naman dapat ijudge agad eh.
“Sana lang. Pero nakakakilig sila, nakakatuwa si Skye eh. Todo effort. Kaso tong si Kia, ang ilap eh.” Natawa naman ako. Tama kasi tong si Amihan. Madami na rin nagattempt talagang manligaw kay Kiarra pero sadyang di niya pinapatulan. Parang pakiramdam niya di naman talaga seryoso ganon.
Ah ewan, malabo talaga yung babaeng yun.
“Tawa ka dyan. Hoy Fire, kelan mo sasagutin si Pedro?” Biglang shift ng topic. Langya to.
“Anong sasagutin. Wala noh. Di naman seryoso yun.” Tapos bigla namang saktong tumunog phone ko. Tumatawag si Pedro.
“Hoy sunog, nasan ka?” Wala man lang hello. Galing talaga nito.
“Secret. Hulaan mo.” Pang-asar ko namang sagot na kinatawa naman ni Amihan sa tabi ko.