Side 3

870 39 5
                                    

SIDE 3

"Pst. Dito ko baba ng dorm mo." Busy akong nagaaral tapos nangiistorbo tong si Pedro. Kainis parang ang petiks ng lalaking to.

"Problema mo?" Nakapantulog na ko’t lahat pero di na ko nagaabalang magayos noh. Di ko naman crush tong si Pedro para magpaganda pa.

"Cute ng pajama mo ha. Kero keroppi." Hinampas ko lang naman siya at tinabihan, inabutan niya ko ng chuckie.

"Wow ha. Ang biyernes santo ng mukha mo tapos chuckie iaalok mo sakin? Lakas trip nito." Ininom ko naman ung chuckie at inaabangan siyang magsalita.

"Bakit ba ganon, Fire. Isang tawag niya lang, andun ako agad. Pero pag dumating na ung gagong hapon na wala namang ginagawa kundi saktan siya, ang dali lang niya kong iwan." Di ako kumibo. Sabi sa inyo, natutuwa lang sakin tong si Pedro. Hindi naman talaga siya seryoso sakin. Kaya nga kahit pwedeng pwede akong bumigay, alam kong hindi siya seryoso.

Mahal niya pa kasi yung ex niya. At tinatatak ko yun sa isip ko para di ako madala sa pagiging sweet at malambing niya.

"Tangina, Fire. Mas deserving naman ako. Bakit di na lang ako diba?" Inubos ko lang ung chuckie. Yung tipong tumutunog pa yung pagsipsip ko dahil ubos na ubos yung laman.

"Kasi mas gwapo yun sayo. Mas matangkad. Mas mayaman." Sinamaan niya ko ng tingin.

"Wow grabe nakakatulong ka ha."

"Hahahahaha! Nagsasabi lang ng totoo. Hay Pedro. Sa lahat ng ‘mas’, yung mas mahal niya yung hapon na un kesa sayo ang pinakamasakit." Bumuntong hininga siya at ginulo buhok ko.

"Sagutin mo na kasi ako para tayo na lang. Seseryosohin naman kita eh." Hinilamos ko mukha niya at sinamaan ng tingin.

"User ka. Di ako rebound noh!" Inakbayan niya ko’t nilapit sa kanya.

"Gusto ko na magmove on, Fire."

"Ginagawa yan, Pedro." Umayos ako ng tayo sa harap niya, "Osige na, istorbo ka sa date namin ng physiology book ko. Uwi ka na rin okay?" Tumayo siya at pinindot na yung susi ng kotse niya. 

"Sunduin kita bukas?"

"Gago ka ba? Ayan lang yung school. Ilang lakad lang. Susunduin mo pa ko? Umuwi ka na nga." Natatawa siyang lumapit na sa sasakyan niya.

"Sweet mo talaga, Sunog. Ge na. Pasok ka na bago ako umalis." Kumaway na lang ako at pumasok na sa dorm, narinig ko na lang din na umandar na yung sasakyan niya.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon