.
.
SIDE 16
.
.
“Pwede ba kong magkagusto sayo?”
.
Ang tagal bago nagregister ng tanong ni Skye sa akin. Kinakabog pa rin yung puso ko at the same time hindi ko maintindihan yung feeling. Pero shempre being the usual we are, dinaan ko na lang sa joke kasi nga baka nagjojoke rin siya.
.
“Nako Eros Skye ha. Wag mo ko pinagloloko-loko. Pag ako bumigay, gugulpihin kita!” I joked. Pero di siya bumenta since pokerface, rather, serious pa rin ang aura niya.
.
“Fire, seryoso ako.” Dun ako natahimik. I stared at him. Madaming tanong pumasok sa utak ko, madaming bakit at paano.
.
“Bakit ako?” Was one questioned I voiced out.
.
Kahit siguro akala ng iba eh ang taas taas ng confidence ko, meron pa rin akong mga insecurities. I’m just plain and nothing but ordinary, so why would this tall, fair, handsome guy like me diba?
.
“Bakit naman hindi?” Sabi ko na lang baka tinitrip niya pa rin ako. Baka naman nagjojoke lang talaga siya kaya ganito ngayon. Malay naman natin kung mamaya, bawiin niya yung mga sinabi niya diba?
.
“Paano si Kiarra?” Isa pa yun sa mga iniisip ko. Paano si Kiarra? Si Kiarra supposedly ang gusto ni Skye. Pero nalipat sa akin. I mean, oo, wala naman akong ginagawa. Technically, I’m not breaking any rules. But Kiarra and I are friends, isn’t this making the whole thing awkward?
.
“Kaibigan ko si Kiarra, alam mo yan.” I even added, he rolled eyes and sighed. Sabi niya magkaibigan lang din daw sila ni Kiarra. Pero ugh. Bahala na, let’s just cross the bridge when we get there.
.
“Tara na nga, baka lalo pa kong mahulog sa kagandahan mo.” Tumawa lang ako at kinurot siya ng mahina. One thing that didn’t change with this guy is he’s still a ladies’ man. Very good in words added with humor.
.
Hinatid na niya ko pabalik sa building namin. Naghaharutan pa kami along the way. Dati naman na naming ginagawa ‘to, yung nga lang this time, may malisya na.
.
“Susunduin kita mamaya ah?” Sabi pa niya matapos niya kong asarin na nanghihingi ng kiss. Loko ang landi lang talaga.
.
“Malaki na ko!” Sabi ko habang palayo na sa kanya.
.
“Basta andito na ko bago ka pa madismiss!”
.
“Bye!” Tumalikod na ko papasok sa bldg. namin.
.
“Bye! I like you!” Ugh sht. Napansin kong napatingin sakin yung ibang med students. Yung iba curious look, yung iba naman napapangiti. Langya, nakakahiya. Skye Villanueva, juiceko ka.