SIDE 13
Natapos ang exam naming brain draining. Puro reklamo na sobrang hirap pagkalabas ng room. Naunang natapos si Shara, tapos ako. Ngayon naman eh inaabangan lang namin si Faith na lumabas na ng room para makaalis na kami.
“Pakatagal naman nitong bruhang to.” Reklamo ko kay Shara na tinawanan naman ako.
“Nako, excited ka lang mamaya eh!” Hinampas ko siya ng librong hawak ko. Maya-maya eh lumabas na rin naman si Faith at direcho na kami sa dorm. Dun na rin kasi kami mag-aayos para mamaya.
“Hindi ko alam san mas excited tong apoy na to, sa sembreak ba o sa gala mamaya.” Parinig ni Faith at Shara habang magkausap kami.
“Ano ba bakit ba trip na trip niyo ko ha?” Natatawa kong tanong sa kanila habang papasok na kami sa dorm.
Hindi ko alam ano bang meron at sobrang observant lang ng dalawang ‘to. Panay na lang pinupuna kung anong mga ginagawa ko basta related kay Skye. Sabi nga nila para daw may nagiiba sa akin lately eh.
“Ngayon ka lang kaya nagkaganyan. Nung kay Pedro naman, di ka ngumingiti ng ganyan pag magkausap or magkatext kayo eh.” Binuksan ko yung unit namin at humilata agad sa kama. Iniisip ko yung sinasabi nila Faith sa ‘kin.
“Grabe binibigyan niyo lang ng kakaibang meaning. Mga malisyosa kayo!” Binato ko pa ng unan si Shara na binalik lang naman sa akin.
“We’ll see later kung malisyosa lang ba kami o talagang may something na.” Hamon pa ng dalawa. Ugh. Walangya talaga tong mga to, di ako tinitigilan!
Pinabayaan ko na lang sila at nagkanya-kanya muna kaming business habang nagpapatay ng oras. Mamaya pa naman yung lakad kasi kaya eto, ako eh hawak uli ang phone ko. Nagrarant sa twitter about sa napakahirap na exam.
“Di man lang ako tinext na tapos na exam :(“ Biglang message ni Skye.
“Aww, hinihintay mo pala ko. Sorry na, langit :(“ Reply ko rin na may sadface. Pero sa totoo lang napapangiti ako.
“Di mo sinabing tapos na, naghihintay ako. Di ko kasi alam kung sunduin ko kayo after ng exam eh. :(“ May sadface pa rin sa reply niya. Binalak pa kaming sunduin talaga ha.
“Sorry na ngaaaa. Wag mo na kami sunduin, nukaba. Tatlo naman kami pati malapit na lang Breeze dito.” Reply ko rin ulit. Nangingiti pa ko habang nagtutweet sabay binato na naman ako ng unan nila Faith.
“Hala sige, laki ng ngiti. Nako, wala daw meaning.” Parinig pa ni Shara.
Nagnotification naman sa phone ko bigla kaya chineck ko muna bago ko makasagot sa dalawang bruha.