Side 19

670 36 11
                                    

.

.

SIDE 19

.

.

Nung nabasa ko yung sinulat ni Skye sa kamay ko, e biglang dinaga tong puso ko. Kung makatibok ba naman eh daig pa yung kinakabahan, pero ano nga bang ibig sabihin nito? Hindi pa naman I love you to diba? Ugh, Fire ano bang iniisip mo.

.

“Ano nanamang kalandian ‘to ha?!” Yan nalang nasabi ko sakanya, hindi ako pwedeng mag-assume kaya kunware walang epekto sakin yung sinulat niya.

.

“Ikaw bahala kung paano mo siya iintindihin.” Hay nako Eros Skye papahirapan pa ko.

.

“I L… Y… Sapphire, ano to? I like you parin to eh!” Cool kong sabi pero ayun nilalandi nanaman niya ko’t sinabi pang balang araw daw eh hindi na niya ko gugustuhin dahil mamahalin na niya ako. Ang landi lang talaga pero ang sweet parin. “Hay nako Eros Skye, magpapagupit na ako mamaya.” Biro ko sakanya pero di naman niya ata nagets. “Pakiramdam ko kasi ang haba ng hair ko.” Natawa tuloy siya kaya natawa na rin ako sakanya.

.

Pagtapos kung umamin sakanya eh dumiretso lang kami sa Army Navy para kumain, isa sa dahilan kung bakit nagclick kami ni Skye eh ito, mahilig kaming kumain at magfood trip dalawa. Oo, mahilig din naman si Pedro kumain pero mas iba yung pagkamatakaw ni Skye. Teka bakit ba ko nagcocompare.

.

“Astig noh, walang ilangang nagaganap satin ngayon.” Sabi ni Skye sabay lamon nung burger niya, napangiti naman ako sakanya at tumango lang. “Alam mo ba ung bakit?”

.

“Bakit nanaman ha?” Nakangiti kong sabi.

.

“Kasi mabilis tayong nagclick, ang comfy tuloy natin sa isa’t isa, yung imbis na mailang tayo eh nadadala ng kadaldalan at kalokohan nating dalawa.” Napangiti naman ako lalo sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh, ewan ko nga rin kung ba’t hindi ako naiilang eh di naman ako ganito sa ibang lalake.

.

“Isa narin siguro yung naging magclose friends muna tayo, bago tayo naging ganito diba?” Napangiti lang din naman siya sakin at tumango. Matapos namin kumain dalawa eh hinatid na niya ko sa dorm na halos nasa tabi lang naman ng Army Navy.

.

“Ang lapit lapit lang naman ng dorm hinahatid mo pa ko.” Sabi ko sakanya habang naglalakad kami.

.

“Ayun nga eh, malapit lang naman kaya ihahatid na kita...” Nakangiti niyang sabi. “Saka mas okay na yun, alam kong safe ka diba?” Hay Eros Skye, alam na alam mo talaga pano ako papakiligin.

.

“Wow, superhero ang peg.” Sabi ko nalang at baka asarin pa nya kong kinikilig nanaman ako sakanya.

.

“Wala man akong super powers, may super love naman akong handang ibigay sa’yo.” Banat nanaman niya sakin.

.

“Juiceko ang puso ko.” Tapos natawa naman kami pareho.

.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon