Side 21

571 34 3
                                    

SIDE 21

True enough, napapayag ako ni Skye na sumama sa kanya. Kahit kabadong kabado ako deep inside, I felt secure through his words. Na para bang maniwala lang ako, at tanggap nga ko ng family niya. Sabagay, Ate Luna was as good as him. No doubt baka pati parents niya ganun din diba.

We went to my dorm and I changed clothes as Skye picked up his car which was parked somewhere near UST. Hinihintay ko na lang siya sa lobby para go na kami sa kanila.

And again, kinakabahan pa rin ako.

“Mahal, di ka kakagatin ng parents ko okay? They will like you. Trust me.” Sabi niya bago i-start ang kotse at sakto namang biglang bumuhos yung ulan.

Magpapasalamat ba ko dahil medyo matatagalan pa ang pagdating namin sa bahay nila o maiinis because the rain is prolonging the agony.

“Ang lakas ng ulan.”

“Mas malakas pa rin yung tibok ng puso ko sayo.” The thing with this guy is he could always find ways to lighten up the mood. Yun bang chill lang siya.

Na may mga bagay na complicated but with him, those things become the simplest? Ang simple lang niyang tao that’s why it isn’t hard to fall for him.

“Alam mo ba, ikaw naalala ko sa ulan?” Pang-asar niya sa akin habang nagdadrive.

“Oo na. FC na ko. Hmp.” Naalala ko kung pano ako nakisakay sa kanya that day. Hindi pa kami okay non pero dahil makapal ang mukha ko, ginulo ko pa rin siya. And then things turned out differently. Akala ko he’ll hate me to death dahil sa nangyari sa kanila ni Kia, but he didn’t. Instead, eto.. ang landi na naming dalawa diba.

“Hindi ko makikilala yung babaeng hinahanap ko kung hindi mo ko kinatok nung araw na yun,” tinignan niya ko at ngumiti pa. Nako ha, lalo tuloy gumagwapo pag nginingitian ako eh. Pinapakilig na naman ako ng lalakeng ‘to.

“Ugh stop. Wag mo nga ko pakiligin ng ganyan, magfocus ka na sa pagdrive dyan.” Sabi ko sa kanya ng natatawa.

“Gusto kong kinikilig ka pero gusto kong malaman mo na hindi ko sinasabi yun para pakiligin ka, sinasabi ko yun dahil yun ang totoo.” Goodness, sino bang di matutuwa ang puso sa ganito.

Ako naman kasi eh madali lang matuwa at madali kiligin. Kaya pasensya na kung feel ko talaga humahaba hair ko lalo dito kay Skye, “Teka nga, nasabi mo na ba sa parents mo na iuuwi mo ko? Baka magfreakout sila ha?” Kanina pa ko pinapakilig baka naman kasi magulat parents niya at nakalimutang sabihing may ipapakilala siya diba.

Tinawagan naman niya agad yung mommy niya. Ewan ko ha, hindi ko pa personally nakikita pero I can see him close to his mom. With the way they talked, alam ko mabait na anak tong si Skye kina mommy. Ay teka anong mommy. Este Tita.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon