.
.
SIDE 10
..
I ended the call and frustratedly sighed. Bakit niya binantaan ng ganun si Skye at bakit siya nagsinungaling sa akin? Ang labo ni Pedro. I know he’s not freaking serious with me, pero kung makaasta siya as if he owns me.
.
Nagopen na lang ako ng twitter ko para dun sana mag-rant pero andami kong mentions pagbukas agad.
.
“Omg ang sexy mo dito btchfriend! Youtube.com/watch?v=1234asdf @firedizon”
.
“@firedizon btch sana sembreak na, nakakamiss magparty! I saw your vid with your orgmates, ikaw na! Ang sexy mo te!”
.
I checked the video only to find out na nakuhanan pala yung sayaw namin sa club last night. Buti kamo Gentleman lang yun at nothing malicious. But ofcourse, I have nothing to hide naman. My blockmates are way party animals than me noh!
.
“Hoy pumarty ka di ka man lang nag-aya!” Message ng bestfriend kong si Igi sa’ken. I rolled my eyes and typed, “Lol, exclusive kasi noh!” then sent it right away. Maya-maya lang ay tumawag na rin siya sa akin.
.
“Ang tamad, pwede namang text lang!” I told him as I answered the call.
.
“May pantawag eh, bakit di gamitin. Utak please.” Leche to.
.
“Duh, di mo lang matawagan gf mo porke LQ kayo kaya ako pinagtiya-tiyagaan mo ngayon.” Minura lang naman niya ko at saglit lang din kaming nagkausap.
.
“Nux peymus ka na, apoy. Trending na gentleman mo. :)))” Si Skye. Nako nangaasar na naman to.
.
“Sabi ko na nga ba, crush mo na talaga ko, langit eh. Pinanuod mo pa talaga. Nako wag mo ulit-ulitin baka mainlove ka. :)))”
.
“Lul mo, mas magaling pa ko sumayaw sayo! Baka pag napanuod mo, maglaway ka pa.” I laughed out loud. Siraulo rin tong lalaking to eh.
.
“Aminin mo na lang na crush mo na ko noh! Nako wala kang pagasa sakin, sinasabi ko na sayo.” Natatawa kong reply sa kanya. Kanina lang magkausap kami tapos ngayon ang lakas na mang-asar. I bet wala rin naman siyang pake actually sa sinabi sa kanya ni Pedro.
.
Dapat lang naman noh, why would Pedro guard me from other guys when I’m not actually his diba?
.
The next days were unbearable. Grabe lang yung sobrang hectic ng sched na puro pagbabasa dahil everyday ang quizzes. You wouldn’t pass kung di ka nagbasa at nagresearch. Kahit matalino, kelangan pa rin talaga mag-aral.
.
“Fire!” Kakalabas ko lang ng St. Martin’s. Direcho na sana ako ng dorm pero nagulat ako andito si Pedro. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung issue ha.