SIDE 12
Mga ilang oras at araw din akong inasar-asar ng mga kaibigan ko. Nabasa din kasi nila yung message tapos lagi nila kong niloloko.
“Magsungit ka nga, B. Para maganda ka.” Bwiset tong Faith na to. Kita na niyang busy ako lumamon ng jolly spag eh. Inirapan ko lang siya.
“O kitams, ganda mo pala, Fire, pag nagsusungit ka.” Kuhang kuha sa msg ni Skye. Nakakainis, di na ko tinigilan ng mga to ha.
“Namumula langya.” Natatawang react ni Shara. Sinamaan ko ng tingin pero di naman naapektuhan.
“Mga gaga kayo, ako na naman trip niyo.” Binato ko nga tissue. Tinatawanan lang nila kong dalawa, nagtitrip lang din kami habang nagpapalipas ng oras. Medyo naglalielow kami sa pagkabusy kasi malapit na matapos ang busy hellweek.
Ilang araw na rin kaming walang tulog. At seryoso, kelangan na naming magrelax! Nakakamatay mag-aral noh.
“Uy B, si Pedro mo oh.” Ngumuso sa labas si Faith at nandun nga papunta din dito sa loob ng Jollibee si Pedro, naglalakad mag-isa.
Maya-maya, tumunog din phone ko. “Pwede makijoin?” Message din ni Pedro. Sinabi ko naman kina Faith pero ang mga bruha, nagpaalam naman.
“Deh usap muna kayo. Alis na kami nakakahiya naman.” Pakunwari pang nagtatampo ng loka-loka.
“Kainis, ang arte ha!” Sabi ko.
“Wuuuh ikaw na madaming boys.” Sinabunutan pa ko ng mahina, hinampas ko nga.
“Inggit ka na naman! Ganda ko kasi.” Payabang ko namang sabi, sensya na ganyan talaga kami.
“Weh. Mas maganda naman ako noh!” Sabi lang ni Faith sabay tayo na rin para umalis. Nagkasalubong pa sila ni Pedro nung palabas na. Natatawa ko kasi parang nagusap den sila sandali. Pinanuod ko lang din makalapit si Pedro sa table namin.
“Problema non si Faith?”
“Bakit?”
“Ang sungit eh!” Natatawa na lang ako habang umupo naman sa harap ko si Pedro. Tinignan ko lang naman siya at alam naman niyang kumaen na ko siguro ano, “Teka order lang ako, sobrang gutom ko na.”
Pagbalik naman niya sa table eh kumaen muna siya, ako naman nagbabasa lang ng bago kong biling book. Nabasa ko na tong The Fault in Our Stars dati pa pero sa PDF. Eh since showing na siya soon, sabi ko babasahin ko ulit pero in printed words na.
“Psst.” Naka-reading glasses pa ko habang nagbabasa, napansin ko naman na tapos na kumaen si Pedro kaya sinarado ko na yung book.