SIDE 22
Nag-ayos na kami after ng ilang minutong magkayakap. Hindi ko na inopen yung sa pagnakaw niya ng kiss dahil baka mahuli akong gising nga. At baka asarin pa niya ko. But I swear, para akong nakuryente nung hinalikan niya ko.
Was it because the kiss was my first or was it because of him?
“Skye, tuloy pa ba tayo sa inyo?” Tanong ko sa kanya nang makapag-ayos na ko. Naghilamos lang din naman si Skye since wala siyang dalang damit.
“Yes po mahal, natext ko na si mommy. Dun daw tayo magbrunch.” Brunch na since anong oras na at malapit na rin maglunch.
“Parang kinakabahan na naman ako.” Sabi ko sabay zipper ng bag at kinuha naman sa’kin ni Skye bago kami lumabas ng room.
“Ikaw talaga, sabi sayo magugustuhan ka ng mga yun eh.” Magkaholding hands na naman kami hanggang sa pagcheckout sa hotel at papunta sa kotse niya. Lumalabas na yung pagiging malambing nga ni Skye na naacquire niya sa family niya.
“Mahal, andun din si Ate Luna. Nagmeet na kayo diba, don’t worry okay?” Tumango na lang ako at nagbyahe na kami papunta sa kanila. Along the way eh nagtatanong ako ng facts about his family.
“Si mommy talaga yung nagpapastrong ng family, si Achy at Dich kasi busy na sa work. Si dad din shempre busy sa business. Tapos ako naman sa acads. Kaya si mommy, nagagalit kapag di kami sama-sama tuwing kakaen ganon. Gusto niya may family time pa rin kami.” Kwento pa niya.
“Parang mommy ko lang din eh.” Comment ko, napatingin naman siya sa akin at ngumiti, “Nagtext nga yun kagabi bakit daw di ako umuwi. Namimiss na ko. Every other week naman yung paguwi ko sa province namin, kakauwi ko lang last week sabi ko.” Natatawa kong kwento rink ay Skye.
“Sinabi mo ba na kasama mo ko?” Seryosong tanong niya.
“Uhm hindi pa.. pag napakilala na lang din kita.” Tinignan ko siya at naging seryoso mukha niya, “Mahal, di kita kinakahiya sa kanila.” Baka kasi iba yung akalain niya eh kaso ngumiti lang naman siya ng tipid.
“Okay lang, hindi rin siguro sila kasi papayag na magovernight ka sa amin diba?” Tanong niya kaya natawa naman ako.
“Baliw ka, tanda ko na papayag naman siguro sila. Pero di ka pa kasi nila kilala kaya di ko mabanggit eh,” Tinignan ko siya at seryoso pa rin siyang nagdadrive, kinurot ko tuloy siya sa ilong. “Ang seryoso mo, di ako sanay. Pag approve ako sa family mo, magpaalam ka next week. Sama kita sa amin.” Bigla naman nanlaki mata niya at tinignan ako, “Ayaw mo?” Natatawa kong tanong.
“Gusto! Ipapakilala mo na ko?” Tanong niya at biglang sumigla yung mood niya unlike kanina.
“Oo, yun ay kung approved sa parents mo na pwede ka sumama sa akin.” Natatawa kong sagot.