Side 17

610 34 6
                                    

.

.

SIDE 17

.

.

Time Check: 2:27 AM

.

Eto at magkausap na naman kami ni Skye, this time sa viber naman para di sayang sa load. Nagkukwentuhan na naman kami habang nag-aaral. Minsan natatahimik kami tapos minsan naman napapatigil kami sa pag-aaral para lang magdaldalan.

.

Ngayon nga, tinatapos ko yung report namin samantalang siya may tinatapos na plate.

.

“Patapos ka na?!”

.

“Um um, galing ko noh.” Yabang, siya na tapos! Hinayaan ko na muna siyang tapusin yung plate niya, pareho kaming tahimik at busy sa kanya-kanyang acads. Napatingin ako kay Faith na nag-aayos na ng gamit, mukhang tapos na rin siya.

.

“B, gisingin mo ko bukas ah?” Remind pa ni Faith sa akin habang nagaayos.

.

“Ay gising pa pala si Faith, hi mo nga ko sa kanya.” Epal den tong si Skye minsan eh.

.

Tinignan ko naman si Faith, “Sige, pag sinabi kong gising na, gising na ah? Iwan kita kala mo. Hi nga pala sabi ni Skye.”

.

Inirapan naman ako ng bruha, “Ang landi, anong oras na magkausap pa rin. Parang di kayo magkasama kanina ah!” Narinig ko naman si Skye na tumatawa sa kabilang line, mukhang narinig niya rin si Faith.

.

“Kelangan na ni Faith ng lovelife, sabihan ko nga si Ace na i-date na kaibigan mo.” Lolokohin ko pa sana si Faith pero mukhang KO na agad, tulog na. Ang bilis naman nun.

.

“Done na!” Parang batang sabi ni Skye kaya napangiti naman ako, “Ikaw, mahal, okay ka pa?” Okay, nakangiti na ko pero parang lalo akong napangiti nung tinawag niya kong ‘mahal’.

.

“Okay pa po, konti na lang den to. Hintayin mo pa ko?”

.

“Shempre naman! Wait kita. Hmm, end ko muna yung call. May aayusin lang ako, okay lang?” Umoo naman ako at minadali ko na yung paggawa ng report. Inaantok na ren ako at alam kong si Skye ren.

.

Maya maya, tumatawag uli si Skye. Nagulat naman ako kasi pagkasagot ko, biglang videocall pala siya. Nahiya akong sagutin dahil sa ichura ko, nakapambahay lang, at di nakaayos.

.

“Hello.” Sabi agad ni Skye pagkasagot ko ng call.

.

“Grabe nakakahiya!”

.

“Ang ganda naman.” Nilapit pa niya yung mukha niya sa screen na para bang makikita niya rin ako ng maigi.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon