My Boyfriend and His First Love
by: tink◦°˚CHAPTER 6◦°˚
◦°˚Unang Pagkikita◦°˚
" Shee..may karera ngayon huwag kang harang.."inilipat niya ang cellphone sa kabilang tenga.
Nakikipagkarera siya ng sasakyan, illegal racer ang mga kasama niya, minsan siya ang nagmamaneho at minsan umaangkas lang siya sa mga walang kapareha. And it gave her the adrenaline rush she ever wanted. Yung almost kamatayan na.
Doon alam niyang malapit na siya sa ina, at habang humihinga siya ng malalim sa tuwing aapak sa gas nakikita niya ang sariling tumatakas sa mundo."Anong-"saad ni Sheena.
Natampal niya ang noo. Haay nadulas na naman siya. Siguradong dadagukan siya ng kaibigan.
" Hey..yehey..just kidding.." pinasigla niya ang boses.
" Nasan ka?" saad nito.
Minsan naiinis talaga siya sa kakulitan ni Sheena. Para narin talaga niyang kapatid ito.
" Kristianè where are you!?" may kasamang pag aalala ang kaibigan.
She sighed.
" Im off to Saudi..Im sorry I didn't tell you.."
Nakacheck in na siya noon at nag hihintay nalang ng oras upang lumipad.
" Ano pa magagawa ko?come home safely Kris.." nalungkot ang boses ng kaibigan.
Tumango siya kahit alam niyang wala doon ang kaibigan, nag aalala na naman ito, pero siya..wla lang, she loves what she's doin'.
" Okay Shee see you when I see you.." hindi na niya hinintay na sumagot ito.
Pumasok na siya sa eroplano at di pa man nakakatake off tulog na siya.
ABHA, KINGDOM OF SAUDI ARABIA
Namamangha siya sa nakikita, it's like being near by the son of God Jesus Christ. She can see ancient houses on top of hills, mga bundok ng alikabok at mga bato, she saw a prominent huge stones on top of the mountains, nakakita din siya ng taniman ng damo, camel, at madaming sheep.
" What the-'' she saw monkeys on the roads.
Naamazed siya, parang Baguio lang but the roads are narrow, masyado ding matataas ang mga bangin.
" Hindi ko kabisado toh.." naiiling na saad niya.
Lulan siya noon ng van na sumundo sa kanya.
She was wearing too her abaya (black silky long dress wore by Arabs).
" Mam ayos lang po kayo?" tanong ng driver.
Tumango naman siya at kinuhanan ng mga pictures ang paligid.
Panay pataas ang daan at ang ulap ay abot kamay lang.
And there are drizzles, malamig din ang panahon.Hinintay siya ng mga kaibigan sa hotel. Magisang babae kaya hiwalay siya ng tutulugan.
" Sagutin mo na ako Kris.." saad ni Gio, kasama niyang racer ito ang favorite niyang kaibigan. May asawa na ito at isang anak.
Natawa siya at dinagukan ito sa ulo.
Natatawa lang sa kaguluhan nila ang isang kaibigang arabo na siyang nagsponsor sa kanila." You Ahmad do you have a wife?because I like you."
Napamulagat ang Arabo, siyang dahilan upang magtawanan pa sila.Naroon si Gio ang laging panalo, si Toti na laging huli, at si Jun na laging sumesemplang.
" Serious?" saad ng Arabo at nahihiyang tumingin sa kanya.
Humagalpak ng tawa ang magkakaibigan. Umiiling iling nalang ang Arabo.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend And His First Love
RomanceBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...