Chapter 17

1.1K 17 0
                                    

My Boyfriend and His First Love

By: tink

◦°˚◦°˚CHAPTER 17◦°˚◦°˚

◦°˚◦°˚TWIST◦°˚◦°˚

Nakatingin si Luis sa kanya wari'y binabasa ang kanyang katauhan.
He saw her tears, her aches.
Iniwan na siya ng mga taong mahalaga sa kanya.

Ng matapat ito sa kanya, tumigil ito. But still staring at her.

" Iiyak ka nalang ba diyan?" saad nito.
He leaned on the wall.
She saw him sighed.

" Tatawa ba dapat ako ha Luis?" sabi niyang may kasamang sarcasm.

Tumingin ito ng masama sa kanya.

" Alam mo, ang hirap mong ihandle, ako na ang gumagawa ng paraan para lumapit ka wala parin, idinemanda ka nat' lahat mataas ka pa rin." nakapamewang ito.

Tumikwas naman ang kilay niya, hindi niya akalaing ganun kadaldal si Luis.

Tumayo siya at tatalikuran na sana si Luis ngunit mabilis siya nitong nahawakan. Nakatitig ito sa mga mata niya.

Dama niya ang emosyon nito, totoo ba ang nakikita niya, he's concern.

" Bitiwan moko." saad niya.
Ngunit sa halip na bitiwan hinila siya nito.

" Let me go!!" nasasaktan siya sa paghawak nito, at sa sobrang lakas din ng pagpiksi niya nabitawan siya nito at mabilis siyang nakipaghalikan sa semento.

" Ouchhhh..." napaiyak siya sa sakit at dahil na din sa bigat ng dibdib.

" Oh..shit.." mabilis siyang inalalayan ni Luis patayo, she got it nahilo siya at pumutok ang labi niya.

Pinunasan iyon ni Luis,.

" Tama na..Im sorry.." saad nito.
" Ikaw naman kasi sabi mo bitiwan kita, tapos bigla kang nagpumiglas."

Sinisi pa siya ni Luis. Lalo siyang napaiyak. Ulila na siya, wala na siyang matatakbuhan, si Sheena ay kasalukuyang nasa convention, si Pio...wala na din.
Naawa siya sa sarili, itinakda talagang mag isa siya, heto naman ang gusto niya hindi ba?.
" Kris.." si Luis, hinawakan nito ang dumudugong labi niya.
" Look Im sorry, stop crying" nag aalala na ito sa kanya, dahil nakatingin lang siya kay Luis at blanko ang expression. Her tears continously raining down.

" Sabi mo kasi bitiwan kita.." saad nito, habang nakukunsensiya sa sinapit niya.

She sighed at tinalikuran si Luis.

She have no strenght to fight Luis, she have to be strong para labanan ang mga gumawa noon sa kanila.

But first she have to deal with Kathlyn.

Tinatawag pa siya ng nurse upang magpasign ng order ngunit mabilis siyang naglakad iniwan ding nag iisa si Luis.

Sa Emergency Room niya naabutan si Kathlyn, at mukhang palabas na ito.

" Kathlyn!"

Humarang siya sa daraanan nito.

Halatang pagod ito ngunit hindi niya iyon pinansin, saglit lang na nagulat ito.

" I guessed you read the news?sinadya ko talagang iwan iyon para sayo" nakangisi ito.

Gustong gusto na niyang bungihan ang Kathlyn na ito ngunit napigil niya ang sarili. And she saw the flowers Pio was about to give her.

Nanlumo siya. Itali man niya si Pio kung sila ni Kathlyn wala na siyang magagawa.

" Bakit hindi mo hayaan si Pio, nagmamahalan kami Kathlyn.." napaluha siya.

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon