Chapter 23

1.1K 18 0
                                    

c23

My Boyfriend and His First Love

By: tink

" Pwede ba hayaan niyong makapagpahinga si Kristianè!" parang kulog sa lakas ang tinig ni Luis, even his mom was astonished.

Pio and Kathlyn back off.

" Umalis na kayo!" itinuro ni Luis ang pintuan samantalang ang mga nurses na kanina ngtatawanan kasama si Luis ay isa isang lumayo.

Samantalang pilit niyang iminumulat ang mga mata, sumasakit na din ang tenga niya sa lakas ng boses ni Luis.

She could see but Luis back, kita niya ang kanang kamay nito na kuyom animo anytime babasag ng mukha.

She raised her hand para mahawakan ang kamay ni Luis, she pressed it, she wanted him to stop shouting.

Naramdaman din niya ang kirot sa mga paa niya, tinignan niya iyon at natakpan niya ang bunganga.

" F....!" naibiling niya ang ulo, hindi niya akalaing ganun kahaba ang mga centepede sa paa niya. Centepede dahil puro tahi, hematoma at blood ang nakikita niya. Iilan lang ang nalagyan ng dressing, malamang napakalalim niyon.

God. Bakit ginawa ito ni Gio?

" Kristianè..." lumapit sa kanya si Pio, at agad siyang niyakap. She could feel his guilt.

Naroon din pala si Kathlyn, tahimik lang itong nakamasid sa kanila ni Pio, ngunit naramdaman niya ang pagbitaw ni Luis sa kanyang kamay. She wanted his hands, pero nakita niya itong tumalikod at nagtungo sa pintuan.

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pio. Nagtitigan sila ng matagal, and she sighed.

Hapis ang mukha ni Pio, malungkot ang mga mata, nagsilitawan na din ang mga bigote nito. Maputla at matamlay.

" Kristianè...Im sorry..I tried to stop them pero.."

Itinapat niya ang hintuturo sa ilong at bibig to stop him from talking. She close her eyes para pakalmahin ang sarili.

" Bakit kayo nandito?" saad niya, pilit niyang pinatatag ng sarili.

Dati isang yakap lang ni Pio tunaw na siya, pero ngayon..takot at galit ang nadarama niya.

Takot na baka sa sariling kamay siya ni Pio mamatay, galit dahil hindi ito naging honest sa kanya.

" Alam mo ba na mag pinsan tayo?" saad niya.

Pinilit niyang umupo pero kumirot ang paa niya.

Tumango si Pio. At lumingon kay Kathlyn.

" Yes magcousin kayo, nakita ko sa album nila Pio. Magkapatid ang ina mo at dad ni Pio. And worst gusto kang patayin ng pamilya ni Pio." direktang saad ni Kathlyn na lumapit sa kanila, at ang mga mata nito ay puno ng takot.

" Forgive us, if we kept it, pero ayaw din naming magduda ka sa amin, inilayo ko si Pio para magpagamot, he has Psyche disorder."

Tahimik si Pio, sabay hawak sa mga kamay niya.

" Magtulungan tayo.." saad ni Kathlyn na ngayon nakatingin sa mga kamay nila.

She asked herself. Bakit awa na ang nararamdaman niya kay Pio. Tama ang desisyon nila ni Kathlyn, tama lang na kahit nasaktan siya at iba ang inakala, tama lang na lumayo siya para hindi matulad sa pamilya nito.

" Kris..mahal kita kahit magpinsan tayo.." saad ni Pio. Hindi nakaligtas sa tingin niya si Kathlyn, nagbaba ito ng ulo at kinagat ang kuko.

Umiling siya. Kung noon nga hindi pwede ngayon pa kaya?.

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon