Chapter 16

1.1K 22 0
                                    

My Boyfriend and His First Love
By:tink
◦°˚◦°˚CHAPTER 16◦°˚◦°˚

◦°˚◦°˚Grotesque◦°˚◦°˚
Nakayakap siya kay Pio habang nagmamaneho ito. Her heart is ill. Clueless siya sa lahat ng nangyayari at hindi niya alam kung saan maguumpisa. Hindi niya kilala kung sino ang mga kalaban niya.

" Bakit dito? " kinakabahang saad niya. Dinala siya ni Pio sa Hospital. She thought Pio will take her to safer place.
" Baba na Kris.." saad ni Pio na hindi makatingin sa kanya ng diretso.
" Pio?" Hindi niya alam ang gagawin, kung papasok ba o mananatili sa loob ng kotse. Mangilan ngilan na ang naglalakad sa hallway ng hospital, she sighed at hinawakan ang pinto.
" Ipapark ko lang tong kotse, susunod ako." Tinitigan siya ni Pio at hinalikan sa mga labi bago umalis. Nanginginig siyang naglakad, halos hindi na siya makahinga sa bigat ng dibdib.
It's 12 midnight. Pipihitin na sana niya ang doorknob ng ICU ng may nagbukas doon.

" Kathlyn?" saad niya. Si Kathlyn nga she was with her father, naroon din si Sheena at Gio.
The room is silent, walang maririnig na alarm ng monitors at respirator.
She cried. Her dad laid lifeless. Lumapit siya dito at niyakap ang ama.
" Dad..." garalgal ang boses niya.
" Shee?" nagpapasaklolong tumingin siya sa kaibigan. Tumango ito at lumapit.
" Hindi ba stable na ang daddy ko?" saad niya. Gusto niyang buhayin ang ama, pero rigor mortis na ito at kahit anong gawin niya he wont live anymore.
" Sheee.." umiiyak niyang niyakap ang kaibigan. Dumating din ang mga kaibigan niya sa car race, maging si Luis.
" Dad..Im sorry..Im so sorry.." hinawakan niya ang mukha ng ama. And she noticed something. She thought he died in agony. Enough, saad niya sa sarili.
Isa o dalawa sa mga nandito ang gumawa, nandito ang gustong pumatay din sa kanya.

Sheena?no..that's her very bestfriend.
Gio?no that's her campanion.
Kathlyn? And her dad!?bakit nandito sila?

" Kris" si Luis iyon. Nilingon niya ito he's staring at her as if she's a prey.
Napaatras siya.
Luis?bagong kakilala. Hindi niya akalaing sa public place pa papatayin ang ama, she doubt na kusang namatay ang ama, pinatay ito.
Lalo nanikip ang dibdib niya, she's too weak to handle. Wala siyang hinahawakang kayamanan o ano pa man, bakit ito ginagawa sa kanya? Heto na ang kapalit ng pagiging terror niya?. The whole surrounding twisted.

" Kris,." hahawakan na sana siya ni Luis ngunit dumating si Pio. Pinalis nito ang kamay ni Luis at hinawakan siya.

" Pio..si daddy.." parang batang nagsumbong kay Pio. Niyakap siya ng kasintahan at hinalikan sa harap ni Luis, as if telling him to back off.

Walang magawa si Luis kaya tumalikod na lamang ito.

.......

Inayos nila ni Pio ang labi ng ama, ilang araw din itong nilamayan, at ang Uncle Peter niya'y umuwi na din sa Canada.

Wala siyang napapansing kakaiba sa paligid, maging si Kathlyn ay hindi lumalapit sa kanya.

She visited Portia and her mom their doing good, at approved na siya na idischarge ang mga ito.

Almost..yeah almost okay na ang lahat. Nakikipagtulungan pa din ang Uncle Peter niya, and they hired secret agents to decipher the mystery.
Isa pa..ang ina ni Luis hindi niya alam kung ipagtatanggol ba siya ng hospital laban dito, she just received charges.

" I can prove to you that im right with my diagnosis and my course of treatment!" tumaas ang boses niya habang kausap ang chief of clinics, isa sa mga pinakamataas na posisyon sa hospital kung saan nagtatrabaho siya bilang general surgeon.

" Pero dapat hindi mo itinuloy ang operasyon, that time he's asystole!" Tama ito, the patient suffered cardiac arrest at nag asystole ang ECG (flat line no waves.) Pero sa tingin niya mas tama ang ginawa niya.
She initiated resuscitation.
Nakaligtas naman ang pasyente but several hours after operation the patient died. Cause by internal hemorrhage. The patient is status post kidney transplant.

" Why you're blaming me?The CP clearance showed we will go on, that he is clear for everything, ngayon lumalabas na may myocardial infarction( laymans term sakit sa puso kadalasan reason ng pagkamatay ng mga may edad na).

" Get ready, kinausap ako ng pamilya..they will sue the administration,,kasama ka bilang captain of the ship." huminga ng malalim ang matandang doktor.
Napatango ako.

" Anong magagawa ko di mgdemanda sila kiber!" Kinuha niya ang isang magazine sa mesa.
" Yan!...diyan ka magaling over confident ka." Umingos siya.
Binuklat niya ang magazine, at lahat ng paru paro sa tiyan niya'y dumami.
Nasa magazine si Pio. Dagger stab her heart.

He's getting married with his fiance. Kathlyn. Ang babae sa likod ng mga ngiti ni Pio. Ang first love ni Pio. The pain strikes again.

" Kristiane?im talking to you" Nagtaas siya ng noo.
" Wala akong magagawa if they believe that's negligence or so..im tired of everything." kinuha niya ang backpack at umalis na.
Pio is getting married..pero bakit siya miserable pa din.
Bakit!? Last night lang kasama niya si Pio pledging his love, last night lang their making love she trusted him again. Parang binuhusan ng chili powder ang puso niya, napakahapdi.

Seeing their picture together made her mad. Hindi na niya alam kung mababaliw ba siya?ang alam niya gusto niyang sugurin, itali sa kotse si Kathlyn at idrive ng 250kmph.
She paused. Ang lakas ng kaba ng dibdib niya. She felt her tears fall. Hawak hawak padin niya ang magazine. She thought they will live together pero bakit ngayon?ni hindi man lang sinabi sa kanya ni Pio?

" Kris!" Nakangiting bungad ni Pio, nasa doctors quarter siya noon. Hindi siya kumibo.
May hawak na bulaklak ito.

" Kris anong-" tinitigan siya nito.

Nanginginig niya itinaas ang magazine.

" I can explain.." mababang tinig ni Pio. Gusto niyang sigawan sa mukha si Pio, gusto niyang pagsasampalin pero natatalo siya ng panginginig ng katawan, her body is weak to protect itself.

Gusto niyang ilampaso ang mukha nito, gusto niyang iflash kasama ng mga feces, gusto niyang kamutin at pigaan ng kalamansi ang mukha.
But her weakness grasp her. Dalawa o tatlong beses na siyang niloko ni Pio.

Instead of running away she sat on the floor. Crying not because of Pio's affection but the thought of Kathlyn has deafeated her, again.

Hindi din siya sigurado sa pagmamahal niya kay Pio, she's mad not because of deceiving her but because of realizing one thing..

" Kris.." hahawakan na sana siya ni Pio ngunit sinenyasan niyang lumayo ito.
Tinitigan niya ito sa mukha, he's not Pio anymore, he's a dummy.
Tinalikuran siya ni Pio.

Her life, her precious life will shine someday.
A shadow appeared. Sinundan niya kung kanino ang aninong iyon.

Luis.

Tink: abangan pa po ang mga susunod na eksena, at susunod na eeksena.

Abangan...

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon